SUMMER BEACH FESTIVAL GINANAP SA BARRETTO

Isang malaking Summer Beach Festival ang ginanap sa Blue Rock (On the Beach) Barretto, Olongapo City. Ito ang ikatlong sunod na taon kung saan ay dinumog ng mga Olongapenos, bisita at bakasyonista ang lugar dahil sa magandang dagat na pangunahing atraksyon nito bukod pa sa masasarap na pagkain at inumin.
Ito ay bahagi pa rin nh inihandang mahabang aktibidad ng Olongapo City Tourism Office sa utos ni Olongapo City Mayor James ‘Bong’ Gordon, Jr. at ng Barrio Barretto Community Development Program.
Umabot sa limang daang (500) mga bisita ang nakisaya sa Summer Beach Festival, lalo na ngayong panahon ng ‘summer’ na nag-hahanap ang mga bakasyonista, local o foreigner man, ng maganang lugar na kanilang mapupuntahan.
Samantala, dumalo si Olongapo City Mayor James ‘Bong’ Gordon, Jr. bilang Special Guest sa Summer Beach Festival.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home