Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, July 19, 2005

ONE RATE- ONE PROVINCE POLICY SIMULA NA !

Aprubado na ng Sangguniang Panlungsod ang Resolusyon No. 11 (Series of 2005) na may titulong A Resolution Requiring Imlementation and Enforcement of One Rate, One Province Policy as Mandated by the National Telecommunications Commission (NTC) Memorandum Circular No. 14-7-2000 to Public Telecommunication Entities Concerned.

Sa pangunguna ni Kagawad Edwin Piano ang may panukala nito, at sinang-ayunan ng buong Sangguniang Panlungsod na sinuportahan ni Olongapo City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. dahil sa magandang layunin na agarang sinimulan ang implementasyon matapos aprubahan at lumabas ang resolusyon.

Ang resolusyon ay alinsunod sa probisyon na itinatadhana ng NTC Memorandum Circular No. 14-7-2000 na may titulong Implementing Rules and Regulations (IRR) for the inter-connection of Authorized Public Telecommunications Entities (PTE).’’

Nakasaad dito na walang pataw na karagdagang bayarin o long distance charges ang mga subscribers ng PLDT sa Zambales, SubicTel sa loob ng Freeport Zone at Piltel sa Lungsod ng Olongapo at Subic. Ang mga lugar na ito ay sakop sa tinatawag na Zero National Direct Dialing (NDD).

Nakasaad na ang mga lugar na ito, ay kabilang sa Local Calling Service Area na nakasaad sa NTC Memorandum Circular na bahagi sa bumubuo sa numbering plan, ang ‘’047” ay sinasabing kasama sa Local Calling Service Area.

Mabe-benipisyuhan ang mahigit apatnapung libong (40,000) gumagamit ng telepono sa implementasyon ng Zero NDD sa mga lugar na ito na positibo ang epekto partikular na sa larangan ng pag-nenegosyo dahil sa mabilis at mababang halaga ng tele-komunikasyon.

‘’ Pangangasiwaan ni Olongapo Telecom & Information Technology Board Chairman Kgd. Piano ang implementasyon at sisiguraduhing ito ay napapa-tupad samantalang malawakang information dessimination ay kailangang isagawa para sa kaalaman ng lahat,’’ ayon kay Mayor Bong Gordon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012