Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, October 25, 2005

Gapo sa Undas

Olongapo Public Affairs Office
HANDA NA ANG GAPO SA UNDAS!

Sa atas ni Olongapo City Mayor James "Bong" Gordon, Jr., puspusan ang paghahanda ng mga concerned agencies para sa pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo sa pagdating ng Undas sa Nobyembre 1.

Sa pangunguna ng Disaster Management Office (DMO) at City Disaster Coordinating Council (CDCC), may mga nabuo ng plano ukol sa ruta ng mga sasakyan, mga designated parking areas, pagtatalaga ng mga medical assistance at first aid, electrical lightings na kakailanganin, probisyon ng tubig, at mga regulasyon sa mga mamamayang magsisipunta sa mga sementeryo.

Ang binansagang ‘’ Task Force Oplan Kaluluwa 2005’’ ay binubuo ng Disaster Management Office (DMO), Philippine National Police (PNP), Traffic Management Board (TMB), Olongapo City Fire-Rescue Team (OCFRT), Bureau of Fire Protection (BOF), Philippine National Red Cross (PNRC) at James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH).

Kabilang rin sa composite teams ay ang City Health Office (CHO), Environmental Sanitation and Management Office (ESMO), City Social Welfare and Development Office (CSWD), Public Utilities Department (PUD), City Planning and Development Office (CPDO), City Engineering Office (CEO) at ang Public Affairs Office (PAO).

Kasama rin sa magtatrabaho ay ang mga Barangay ng Kalaklan, Sta Rita, Old Cabalan at Barretto na sumasakop sa nasabing mga sementeryo.

Sa araw ng Undas, maagang ide-deploy ang mga Kapulisan at Traffic Management Board sa iba’t-ibang lokasyon ng tatlong (3) sementeryo sa lungsod: ang Olongapo City Memorial Park, Heritage Memorial Park at Olongapo City Public Cemetary

Nagkaroon na rin ng mga tokang responsibilidad ang ibat-ibang departamento sa kani-kanilang mga itinalagang command posts beinte kwatro (24) oras mula 6:00 ng umaga sa Nobyembre 1 at 2 o maging hanggang sa kinakailangan.

"Wala na ngang nakalimutang detalye, ready na kami!" wika ng Angie Layug na siyang puno ng Task Force Oplan Kaluluwa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012