Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, October 27, 2005

PR: Czech Republic Olongapo visit

CZECH REPUBLIC,
KAIBIGAN NG OLONGAPO


Isang mainit na pagsalubong ang ibinigay ng mga taga-Olongapo sa pagbisita ng mga matataas na opisyales ng Senado ng Czech Republic nitong Oktubre 24, 2005.

Masayang sinalubong ni First Lady Anne Marie Gordon, sa ngalan ni Mayor James 'Bong' Gordon Jr. na ngayon ay nasa isang official trip sa Amerika, at Kgd. Cynthia Cajudo, kasama ng mga department heads at mga kawani ng gobyerno, ang pagdating ni Czech Republic Senate Vice President Petr Smutny. Kasama rin sa delegasyon ng Czech Senate ang mga Committee Chairman sa Ekonomiya, Agrikultura at Transportasyon na sina Milan Balaban, Vladimir Schovanek, Ivan Adamec, Ambassador Radka Calabkova, pati ang delegasyon mula sa Czech business community.

Ang pagbisita ng Czech officials sa Olongapo ay bahagi ng anim na araw na parliamentary visit nila sa Pilipinas. Napili ang lungsod upang bisitahin at magkaroon ng dayalogo sa mga opisyales nito sapagkat kilala ito sa pagiging progresibo at modelong lipunan.

Upang makilala ng mga bisita ang lungsod, buong sigasig na inihayag ang City Masterplan sa mga bisita sa pamamagitan ni Kgd. Cajudo, kasama ang mga short at long-term projects para sa lungsod. Humanga sila sa mga proyektong pangkaunlaran at ang pagtatrabaho ng mga lider ng lungsod upang maging kauna-unahang freeport city ng bansa ang Olongapo.

Dahil dito, in-offer ng mga opisyales ng Czech Republic ang kanilang expertise sa ilang mga bagay na maaaring makatulong sa lungsod tulad ng Water Management, Medical Tourism at Environment Protection. Sila ay bukas sa mayabong at tuluy-tuloy na ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Olongapo. Bakas sa kanilang mga mukha ang kagalakan na mabisita at makasalamuha ang mga taga-Olongapo.

Hindi naging hadlang ang language barrier upang maramdaman ang pag-usbong ng malalim na relasyon ng pagkakaibigan ng Olongapo at ng Czech Republic. Matapos ang palitan ng mga regalo ng mga opisyales, winika nga ni Kgd. Cajudo bilang pagtatapos: 'We hope that this will not be the last but instead a beginning of a lasting friendship.'

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012