Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, October 27, 2005

PR: Internet Cafe Ordinaces sa Olongapo

KONTROL SA MALING PAGGAMIT NG INTERNET CAFES, IPATUTUPAD!

Ipinasa na ng Sangguniang Panlungsod ang dalawang magkahiwalay na City Ordinance na patungkol sa pagkokontrol ng operasyon ng mga internet café's sa lungsod.

Ang City Ordinance No. 2005, O-75 na isang pagre-rebisa sa City Ordinance 14, series of 2001 ukol sa 'Governing the Operation, Licensing and Supervision of all Computer-Related Establishments/Internet Stations and for other Purposes' na isinulong ni Kgd. Edwin Piano, at ang City Ordinance No. 2005, O-76 na patungkol naman sa 'Defining and Penalizing On-Line Pornography in Olongapo City' na isinulong naman ni Kgd. Gina Perez.

Layon ng mga Ordinansa na pangalagaan ang kapakanan ng mga kabataan na sobrang nahuhumaling at nagbababad sa mga internet cafes dahil sa mga On-Line Games, pati na rin ang pagbabawal sa pagsasagawa ng mga On-Line Pornography at CyberSex sa mga establisyimentong ito.

Nakapaloob sa mga Ordinansa ang pagtatakda ng oras ng pagtanggap ng mga customer na may edad 17 pababa. Ipinagbabawal ang pagtanggap ng mga bata kung ito ay oras ng pasok sa eskwela, liban na lamang kung may magulang na kasama o may valid permit mula sa paaralan. Bukod dito, dalawang (2) oras lamang pinapayagan ang mga kabataang minor de edad na maglaro tuwing school days at apat (4) na oras sa weekends at holidays.

Mariing ipinagbabawal ang mga private rooms at cubicles sa mga internet cafes sapagkat maaari itong gamitin sa anumang uri ng prostitusyon, cybersex, at on-line pornography. Bawal din ang pagsusugal, at pag-iinom ng mga nakalalasing na inumin.

Bago pa man ang huling pagbasa ng mga Ordinansa para aprubahan ng Konseho, nagsagawa ng isang Public Hearing kasama ang mga business owners ng mga internet cafés. Bagama't ito ay isang setback para sa kanilang mga negosyo, naiintidihan naman nila ang mga kadahilanan ng pagkokontrol ng pamahalaan. Ang mga mahuhuling lalabag sa mga Ordinansang ito ay papatawan ng kaukulang penalty charges at suspension, at maaari ring ipasara kung aabot sa ika-apat na opensa.

Ang tanggapan ng Punong-Lungsod (Mayor's Office), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Business Permit Office at Truant and/or Telecom Board ang mahigpit na magpapa-iral ng mga naturang Ordinansa.

Nais lamang nating ilagay sa ayos ang paggamit ng Teknolohiya ng mga kabataang Olongapeño. Tulung-tulong ang pamahalaang lokal, ang mga internet café businesses at mga magulang upang madisiplina ang mga kabataan at para rin pigilan sa ating lungsod ang cybersex,' pahayag ni Kgd. Edwin Piano.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012