Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, October 27, 2005

PR: SEA Games Gapo Volunteers

KABATAANG OLONGAPO:

VOLUNTEERS NG SEA GAMES!

Dumagsa ang mga kabataan sa Olongapo City Hall para sa isinagawang South East Asian Games Volunteers' screening and interview sa Sanggunian Session Hall nitong Oktubre 27, 2005. Kusang-loob na pumunta ang mga kabataang ito upang ibigay ang kanilang serbisyo para sa isasagawang SEA Games sa Subic Freeport sa darating na Nobyembre 24-Disyembre 5, 2005.

Kahit sa mga bagong sibol na kabataan, buhay na buhay ang 'Volunteerism Spirit' sa mga taga-Olongapo. Mga High School at College Students ang karamihan sa mga aplikante. Libreng serbisyo man ang kanilang gagawin, walang pag-aatubili ang mga kabataan. 'Once in a lifetime experience po ang SEA Games para sa amin. Maswerte po kami kung makakasama kami na makatulong at maging kabahagi ng tagumpay ng pagsasagawa ng SEA Games dito,'ayon sa isang OCNHS student na aplikante.

Sa atas ni Mayor James 'Bong' Gordon Jr., pinangunahan ni Olongapo City Sports Coordinator Angie Layug ang pag-aanyaya sa mga kabataan mula sa iba't-ibang mga high school at kolehiyo ng lungsod na mag-Volunteer para sa SEA Games. Isinagawa naman ng National Youth Commission ang Screening at Interview upang matiyak ang kahandaan ng mga aplikante. Dalawang-daan limampu (250) na kabataan ang target na bilang ng makukuhang Volunteers.

Iba't-ibang gawain ang maaaring maging trabaho ng mga Volunteers. Maaari silang maging kabahagi sa Sports Operation, Programs & Ceremonies, Support & Services, Security, Marketing & Merchandising, Liason/Protocol, at Secretariat.

Ang mga mapipiling Volunteers ay magkakaroon ng Volunteers' Training upang maging handa sa kanilang pagsabak sa trabaho para sa SEA Games.

Ang SEA Games ay sinasalihan ng labing-isang (11) bansa sa buong Timog Silangang Asya kabilang ng Brunei, Cambodia, Laos, Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Myanmar, Singapore at Pilipinas. Apatnapu't isang sports events ang isinasagawa rito at sa taong ito, apat na lugar ang pagdarausan sa buong bansa kabilang ang Manila, Cebu, Bacolod at Subic Freeport.

Dito sa Subic, apat na sport events ang gaganapin sa Subic Bay Freeport Zone: ang Archery, Canoe/Kayak, Sailing at Triathlon. Inaasahang dadaluhan ito ng mahigit 600 na atleta, bukod pa sa mga kasamang foreign visitors at mga dadagsang lokal na turista na manonood ng mga palaro.

Malaki ang pagpapahalaga ng Philippine Sea Games Organizing Committee (PHILSOC) sa mga Volunteers. Ayon nga sa kanilang streamer: 'The Volunteers are the heart and soul of the games. Now is the time to showcase to the world the best of the Philippines, and in one shining moment, experience the Filipino Bayanihan Spirit.'

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012