Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, October 27, 2005

Press Release: JLGMH at SEA Games

JAMES L. GORDON MEMORIAL HOSPITAL:

KABALIKAT NG SEA GAMES sa SUBIC!


Sa nalalapit na pagdaraos ng South East Asian (SEA) Games 2005 sa Subic Freeport Zone, napagkasunduan na ang James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) ay isa sa mga pagamutan na gagamitin ng SEA Games para sa mga atletang lalahok sa mga palaro sakali mang magkaroon ng mga di-inaasahang injuries. Gagamitin dito ang mga makabagong pasilidad at kalidad na serbisyo ng ipinagmamalaking hospital ng Olongapo.


Apat na sport events ang gaganapin sa Subic Bay Freeport Zone mula Nobyembre 24 hanggang Disyembre 5, 2005. Ang apat na events na ito ay ang Archery, Canoe/Kayak, Sailing at Triathlon. Ang SEA Games ay sinasalihan ng labing-isang bansa sa buong Timog Silangang Asya kabilang ng Brunei, Cambodia, Laos, Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Myanmar, Singapore at Pilipinas. Apatnapu’t dalawang sports events ang isinasagawa rito at sa taong ito, apat na lugar ang pagdarausan nito sa buong bansa kabilang ang Manila, Cebu, Bacolod at Subic Freeport.


Dito sa Subic, ang apat na sports events ay dadaluhan ng mahigit 600 na atleta, bukod pa sa mga kasamang foreign visitors at mga dadagsang lokal na turista na manonood ng mga palaro.


Sa masusing paghahanda ang ginagawa ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), sinisiguro nito na magiging matagumpay ang pagho-host ng SEA Games dito sa Freeport. Sa naunang inspeksyon na isinagawa sa Subic Freeport Zone, humanga sa isinagawang paghahanda sa mga pasilidad nito, ang Chef de Mission Team ng SEA Games na mula sa anim na mga member-countries.


Kaya nga't upang matiyak ang aspetong 'safe and health' ng mga SEA Games athletes, nakipag-ugnayan ang SBMA kay Mayor James 'Bong' Gordon para magamit ang pasilidad ng JLGMH.


Ayon kay SBMA Deputy Administrator for Administration Ramon De Leon, 'ang SEA Games ay isang programa na hindi lamang SBMA ang magsusulong kundi kabalikat din ang buong lokalidad kasama ang Olongapo, Subic at Bataan. Kaya’t nakikipag-ugnayan kami at nagkakatulungan na ng mga lokal na pamahalaan.'


Sa ganang seguridad, traffic, at turismo, ang Olongapo ay tuwirang magiging kabalikat din sa magaganap na SEA Games. Sa kasalukuyan ay ilang Volunteer Workers na ang nire-recruit upang tumulong sa magaganap na sport events. Inihahanda na rin ang Kapulisan at Traffic Enforcers upang maging handa sa paglabas ng mga atleta sa lungsod mula sa Freeport. Higit sa lahat, naghahanda rin ang lungsod sa mga turista na magdaratingan para saksihan ang SEA Games.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012