Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, October 27, 2005

Press Release: Youngsters' Free Ocean Adventure Trip

KASIYAHAN NG MGA BATA, PINAHALAGAHAN!

Mapalad ang mga bata na nabigyang pagkakataon na makasama sa isang araw na pamamasyal sa world-class water theme park na Ocean Adventure sa Subic Freeport Zone.

Labis ang katuwaan ni Mayor James 'Bong' Gordon Jr. nang ang malapit niyang kaibigan na si Gregorio 'Yoyong' Magdaraog ay magprisinta na magbigay kasiyahan sa ilang mga kabataang kapus-palad.

Pa-birthday ko ito aking kaibigan. Kaysa personal na regalo, mas ikinasiya niya na mga taga-Olongapo ang pagbigyan ko, kaya naman naisip ko ang libreng pasyal na ito,' pahayag ni Magdaraog na naging kaklase ni Mayor Gordon sa Ateneo at ngayon ay VP for Corporate Affairs ng Ocean Adventure.

Pumili ang Tanggapan ni Mayor Gordon, sa pakikipagtulungan sa Dep-Ed, ng isandaang (100) mga mahihirap na batang estudyante mula sa iba’t-ibang mga pampublikong paaralan para makasama sa isang libreng educational field trip na isinagawa nitong nakaraang Oktubre 14, 2005. Tig-25 na bata mula sa Asinan Elementary, Tapinac Elementary, Nellie Brown at OCES ang mga napiling makasama.

Kasama mismo si Magdaraog ng mga bata sa kanilang tour at sa panonood ng mga dolphins at sea lions na nagsagawa ng mga performance acts. Sa labis na tuwa dala ng mga ngiti sa mukha ng mga bata, ipinangako ni Magdaraog na magiging taunang pa-birthday niya ito kay Mayor Gordon.

Ang tour sa Ocean Adventure ay isang pribilehiyo sapagkat may kamahalan din ang entrance fee rito. P370/bata at P450/adults. Umabot rin sa higit P40,000 ang kabuuang gastos ng isang araw na pasyal na taus-pusong hinandog naman ni Magdaraog kay Mayor Gordon para sa mga batang-Olongapeño.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012