SIBIT-SIBIT FESTIVAL: SUMMER BEACH GIMIK NG ‘GAPO

Isang mainit na pakulo ang inihanda ng Olongapo para lalo pang pasayahin ang summer para sa mga mamamayan nito at mga bisita.
Ang Sibit-Sibit Festival ay isang kasiyahan na magso-showcase ng ganda ng mga beaches ng Olongapo. Ito ay magaganap sa Abril 28, 29 at 30, 2006 sa Driftwood Beach Bo. Barretto. Katatampukan ito ng isang Fluvial Parade kung saan maraming mga sailboats, jetski at fluvial floats ang mamamalakaya sa gitna ng magandang beaches ng Kalaklan at Barretto Area.
Ang naturang fluvial parade ay isasagawa alas-7 ng umaga ng Abril 28 at masasaksihan pa ito ng buong bansa sapagkat ilalabas ito ng live sa ABS-CBN Channel 2 program “Magandang Umaga Pilipinas” kasama ang segment host nito na si Winnie Cordero.
Inaasahang may malaking bilang ng mga turista at balik-lungsod na dadagsa para mag-beach at mamasyal, kung kaya’t abala na ang Olongapo City Tourism Department sa paghahanda ng aktibidad na ito sa atas ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. Katuwang din sa Sibit-Sibit Festival ang Subic Bay Resorts Association (SUBRA), Barretto Beach Association at iba pang business groups.
Ilang sports competition din ang isasagawa tulad ng Boat Race Competition, 8-Ball Tournament, at Dart Tournament. Inaabangan na rin ang “Summer Hot Babes Bikini Open Contest 2006”.
Laging paalala ni Mayor Gordon na “tourism means jobs” at turismo ang main industry ng Olongapo kung kaya’t lahat ng taga-lungsod ay tinatawagang magtulung-tulong para lalo pang palakasin dito ang turismo.
By: Olongapo Public Affairs Office


0 Comments:
Post a Comment
<< Home