Rep. Diaz kinasuhan ng Viva hot babe sa DoJ
Pilipino STAR Ngayon 02/15/2005
Pormal nang kinasuhan ng sexual harrasment sa Department of Justice (DOJ) ni Viva hot babe Ana Leah Javier si Zambales Rep. Antonio Diaz.
Sinabi ni Javier sa kanyang reklamo sa DOJ, pinaghahalikan, niyakap at pinaghihipo umano siya ng kongresista nang imbitahan siya na maging guest singer sa kaarawan ni Zambales Gov. Vic Magsaysay noong Enero 20.
Wika pa ni Javier, P25,000 lamang ang ibinayad din sa kanya ni Diaz gayung P50,000 ang usapan para sa kanyang show matapos siyang tumangging matulog at makipagtalik sa mambabatas sa rest house nito.
Idinagdag pa ng Viva hot babe, matapos siyang mag-perform sa b-day ni Magsaysay ay bigla siyang hinarang ng mga bodyguard ni Diaz matapos malamang uuwi na sila sa Maynila at pilit siyang dinala sa resthouse ng mambabatas at dun pilit na pinatutulog.
Nauna rito, isang open letter na nilagdaan ni Remedios Coady ang kumalat sa Kamara kung saan ay sinasabing ang unang inimbitahan ni Diaz ay si Jeniffer Lee subalit ng hindi ito available ay pinalitan ni Javier.
Nakasaad pa sa open letter ni Coady na gusto pa umanong gawing personal secretary ni Diaz si Javier kapalit ng suweldong P25,000 pero mariing itinanggi naman ito ng mambabatas. (Ulat ni Ellen Fernando)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home