Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, April 27, 2005

PINADALING PAGPAPATITULO: Tuloy-Tuloy Na!

Tuloy-tuloy ang pag-usad ng programang pinasimulan ni Mayor Bong Gondon ukol sa malawakang pagpapatitulo ng mga lupa dito sa lungsod ng Olongapo sa pagdating ng magandang balita mula sa Department of Environmental and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Jimmy Mendoza, head ng task force on Mass land Titling, nakakuha na ng pormal na pagsang-ayon mula kay Sec Mike Defensor ng DENR ukol sa bagong pagpoproseso ng mga aplikason sa pagpapatitolo. Maari na ring magpasukat at mag-pasurvey na mga lupa at otorisado na rin ang Regional Office ng DENR na mag-apruba ng mga ito.

Maalala na inilungsad ang programang Mass Land Titling ng pamahalaang Olongapo sa huling bahagi ng nakalipas na taon. Samantalang tuloy-tuloy ang pagpo-proseso ng mga Lot Certificates, ipinahinto naman ng DENR ang pagsasagawa ng mga lot surveys at inspections. Kung kayat ilang panahon ring naantala ang programa.

Makaraang lumiham ang ating Punong Lungsod Bong Gordon kay Sec. Defensor, sa wakas ay tumugon ito upang magkaroon ng klaripikasyon na ang mga lupa sa Olongapo ay maaari ng iproseso upang ipatitulo. Dagdag pa rito, pumayag ito sa kahilingan ng punong lungsod na gawing abot-kaya ang pagpapatitulo sa pamamagitan ng exemption sa DENR Administrative Order No.20 na siyang nagpapataas ng appraisal at bayarin sa pagsasaayos ng mga titulo.

Sa pagkakaroon ng ganitong mga proseso hinihikayat ang lahat ng mamamayan na samantalahin ang pagkakataon ito upang ayusin ang titulo ng kanilang mga lupa dahil maaaring sa hinaharap ay bumalik ang dating mataas na halaga ng pagpapatitulo.

Mahalaga ang titulo upang magkaroon ng absolutong katibayan ng pag-mamay-ari ng lupa, dagdag pa na mapatataas nito ang halaga ng inyong lupa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012