Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, May 04, 2005

PARA SA KAUNLARAN: OLONGAPO CITY MASTER PLAN


Inilahad ni Olongapo City Mayor James ‘Bong’ Gordon,Jr. sa mahigit isang libong (1,000) officials at employees ng Lungsod sa Olongapo City Convention Center (OCCC) upang ilahad ang kabuuan ng Olongapo City’s Plan.

Humigit kumulang sa dalawang oras (2) ang presentasyon ni Mayor Gordon na sinimulan sa kasaysayan ng lungsod at sinundan ng pagpapakita ng programa at implementasyon nito kabilang na ang ‘short at long term programs’ para sa lungsod.

Ipinakita ni Mayor Bong Gordon ang katatapos lamang na proyekto nito para sa lungsod kabilang dito ang Fish Port sa Brgy. Banicain na magbibigay ng pagkakataon para mapaunlad ang fishing industry, Pier B sa kahabaan ng Brgy. Kalaklan hanggang sa Brgy. Baretto na magiging isa (1) sa ipinagmamalaking tourist attraction at ang patuloy na isinasagawang konstrauksyon ng Olongapo City Boardwalk sa City Mall.

Pinagtuunan ng pansin ni Mayor Gordon ang dalawang programa. Kabilang ditto ang pagpapalakas sa Livelihood / Self-employment at ang pagpapasigla sa Turismo. Ang Livelihood/Self-employment ay upang makapag-simula ng negosyo samantalang ang Turismo ay upang mapataas ang bilang ng mga bakasyonista sa lungsod hindi lamang tuwing panahon ng summer kundi sa kabuuan ng taon.

“huwag lamang tayong umasa na maging empleyado sa mahabang panahon kailangan na tayo ang mag may-ari ng negosyo,” ayon kay Mayor Gordon na hinikayat ang mga empleyado na magnegosyo kahit sa maliit na puhunan lamang.

“Tourism means job, kailangan nating palakasin ang turismo upang sa ganoon ay gumanda ang negosyo sa Olongapo,” dagdag ni Mayor Gordon.

Samantalang kabilang din sa mga progarama nito ang Mass Land Titling, mababang halaga ng pabahay, pagpapahalaga sa kalusugan at ang kontruksyon ng kalsada, pedeatrian overpasses at ang palagay ng traffic lights upang mabawasan ang nadaramang trffic sa lungsod.

“fight, fight, fight Olongapo.” Ang sigaw ng mga kawani ng lungsod matapos ang presentasyon ni Mayor Gordon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012