Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, May 30, 2005

SERYOSONG KAMPANYA LABAN SA KRIMINALIDAD

Sa tuluy-tuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na sugpuin ang lahat ng uri ng kriminalidad sa lungsod, mabilis na tumugon an gating mga masisigasig na Kapulisan.

Bilang resulta, pitong hinihinalang drug pushers, anim na may kaso ng pagnanakaw (theft,robbery at snatching). At isang may kaso ng rape, ang iniharap kay Mayor Bong Gordon ng Olongapo Police sa pamumuno ni Olongapo PNP City Director Sr. Supt. Flor Buentipo.

Ilan sa kanila ay kinilalang sina Eddie Echeverri (theft), Sonny Rosuelo (theft),
Albert Ariño (robbery/snatching), Jesus Gaballa (robbery/snatching), Ernesto Evalle (theft), Jamis Mulawan, Zaida Isumba (drug pusher), Diamara Abdul Rahiman (drug pusher), Josephine Arce (drug pusher), Jennifer Linic (drug pusher), at Domino Calansanan (drug pusher).

Parang ama na pinagsabihan ni Mayor Bong Gordon ang mga criminal at tinawag silang “mga gumagawa ng kasalanan sa bayan.” Kinundena niya nag mga krimenna kanilang ginawa ngunit sinabihan niya nag mga ito sa pwede pa ring magbagong-buhay at sa halip na gumawa ng masama ay magsipag at magsikap sa pamamagitan ng mga livelihood programs na proyekto ng lokal na pamahalaan.

Pinuri ni Mayor bong Gordon si Col. Flor Buentipo, kasama ang kapulisan, sa kanilang pagiging alerto at pagpupursige para masugpo at maagapan nag mga kriminalidad sa ating lipunan.

Ayon kay Col. Buentipo, ang kampanyang ito laban sa Kriminalidad ay mahigpit na pinag-uutos ni Mayor Bong Gordon sa kapulisan. Kaya’t laging maagap ang pag-aksyon ng mga pulis na nag-resulta sa pagkakahuli ng mga kriminal na kanilang iniharap.

Bilang huling pananalita, sinabi ni Mayor Bong Gordon na ”para sa kabutihan ng Olongapo ang ginagawa nating pag-sasaayos ng peace and order. Dahil kung mapayapa dito sa ating lungsod papasok ang negosyo at lalakas ang turismo, at lahat tayo ay makikinabang. Kaya’t maging matuwid na kayo,” patungkol niya sa mga nahuling salarin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012