UNFPA-FUNDED PROJECT:POPULATION & DEVELOPMENT STRATEGY SISIMULAN NA ANG IMPLEMENTASYON
Sinimulan na ang implemementasyon ng limang(5) taong programa para sa Population and Development Strategy (DOS) at Gender Sensitivity Program (GS) sa pamamagitan ng dalawang araw na 2005 Annual Work Plan na ginanap sa FMA Hall, 2/F ng City Hall Complex nitong Hunyo 15-16, 2005.
Matatandaan na nitong Abril 2005, isa ang Olongapo City sa limang (5) piniling lugar sa bansa ng United Nations Population Fund for Assistance O UNFPA para mabiyayaan ng pondo na may kabuuang halagang P25milyon para sa mga programang may kinalaman sa population control. Tatlong pinakamalalaking barangay ang mabibiyaan ng pondong ito kabilang ang barangay Sta.Rita na may kabuang populasyon na 23,755; Barretto na may 53,938 populasyon at New Cabalan na may 20,002.
Kamakailan ay natapos na ang isinagawang financial management na siyang inilahad ng UNFPA Management Team upang masigurong magagamit ang pondong inilaan ng tama at maayos. Kung kaya’t isinagaw na ang Work Plan para sa tulo-tuloy at maayos na implementasyon ng programa sa barangay level. Kabilang sa mga departamento ng lokal na pamahalaan na bumubuo sa PSD Task Force ay ang City Planning Development Office (CPDO) City Health Office (CHO), City Population Commission (POPCOM), Urban Basic Services Program (UBSP) at City Social Welfare & Development Office (CSWDO).
Sa harapan ni Mayor James Gordon Jr., ipinangako ng PSD Task Force, na magkakaroon ng malaking pagbabago sa pananaw ng mamamayang Olongapo ukol sa responsibilidad ng bawat isa sa pagkontrol ng populasyon at pagpapahalaga sa family planning. “Sa tulong na pondo ng UNFPA, susuyurin naming ang tatlong barangay upang maipaalam sa lahat ang mga tamang kaalaman sa populasyon at kasabay nito, maibaba natin ang poverty level sa pamamagitan ng responsableng pagpaplano ng pamilya.
Idinagdag pa ni Mayor Gordon, “ Kasabay ng program sa pagkontrol ng populasyon, dapat ay may livelihood program din na siya nating pinapalakas sa kasalukuyan. Kung makaakibat ito, mas mabilis na uusad an gating bayan.”
Bukod sa mga libreng pills, at iba pang contraceptive methods, kasama din sa programa ang pagbibigay ng mga seminars at mga kaalamang babasahin ukol sa family planning at population control para sa mga mamamayan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home