Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, July 27, 2005

CEREBRAL MALARIA SA GAPO, PINABULAANAN


Maaring pinabulaan ni Dra. Pacita Alcantara, City health Officer ng OLONGAPO CITY ang napabalita sa pahayagang Philippine Daily Inquirer ukol sa paghagupit ng sakit na cerebral malaria sa lungsod.

Sinabi ni Alcantara na hindi ikinakaila na may mga kaso ng malaria sa lungsod, ngunit katotohanan lamang na wala pang naitatalang kaso ng cerebral malaria.
Ang cerebral malaria ay kumplikasyon na dala ng malaria kung ito ay hindi naagapan kung saan kumalat na ang impeksyon sa utak na maaring matuloy sa kamatayan.

Bukod pa dito, ipinaliwanag niya na ang mga malaria cases sa lungsod ay karamihan imported at relapse cases.
Imported ito kung ang nagkasakit ay nakuha ang malaria virus sa ibang lugar at naidala lamang sa lungsod. Relapse cases naman kung muling nanumbalik ang sakit malaria ng mga datingnagkaroon na ito. Karaniwan ito sa mga aetang lumikas mula sa Zambales matapos ang pagputok ng Mt. Pinatubo at nanirahan sa lungsod.
Ang mga indigenous cases, o yung kaso ng malaria na ditto mismo nag-ugat sa lungsod, ay iilang lamang na kaso. Ang mga nagkasakit ay mula sa ibat ibang lugar na kasamaang mga outskirts ng lungsod tulad ng Bataan at Zambales.

Dagdag pa ni Dra. Alcantara, ang dahilan ng malaking bilang ng malaria cases sa report na ipinasa nila sa Rergional Health Office III, ay bunsod ng isinagawang massive blood testing kung saan nakapagtala sila ng positive cases ng malaria na nasa early stages of incubation pa lamang.
Isinagawa ito ng local na health office upang maagapan ang ano mang sakit na sumasapit sa panahon ng tag ulan tulad ng malaria, dengue at iba pa.

Ayon kay Vic Vizcocho, Public Affairs Officerng lunsod, “hindi magandang imahe ang ipinalabas ng baliltang ito at nakakasira sa kabuhayan ng mga taga Olongapo. Maaring makapekto sa mga turistang bumibisita dito kung hindi maiklaklaro ang balitang ito”.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012