Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, August 31, 2005

CYBERSEX SA CITY COUNCIL, PINAIIMBESTIGAHAN

            Pinakilos ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. si Vice Mayor Rolen Paulino, na siyang Presiding Officer ng Sanguniang Panlungsod, kaugnay ng balitang “cybersex sa Olongapo City Hall” na naglabasan sa mga national tabloids nitong nakaraang linggo.

 

            Ang istorya ng cybersex ay halaw umanosa isang affidavit ng isang Ramoncito Sapinoso, empleyado ng City Council hinggil sa hiwalay na kaso ng sexual harassment ng kinasasangkutan ni Kgd. Noel Atienza.

 

            Ayon umano kay Sapinoso may ka-empleyado ito na gumagamit ng internet para mag-chat at gumawa ng kalaswaan tulad ng pahubarin ang ka-chat. Ginagawa umano ito sa oras ng  trabaho. Ipinatawag si Sapinoso upang linawin ang isyu ngunit itinaggi nito na sinabi niya na may “cybersex sa City Hall”. Si Ester Rabago, ang empleyadong tinukoy naman na nakikipag-chat ay kasalukuyang naka-leave of absence.

 

            Dahil sa teknolohiya ng internet, maraming impormasyon ang pwedeng hanapin at ang komunikasyon ay mas nagiging madali. Ang akto ng “cybersex” ay may iba’t-ibang patungkol. Maaaring ito ay ang pagpunta lamang samga webpage ng adult sites, o pwedeng sa paraan ng palitan ng usapan o chatting kung saan maaari pang gamitan ng webcam para Makita sa monitor ang kausap.

 

            Sa session nitong nakaraang Miyerkules, napagkasunduan ng konseho na ibigay ang imbestigasyon sa Telecommunications Committee na pinamumunuan ni Kgd. Edwin J. Piano. Ang internet ay isang epektibong tool para sa komunikasyon ng lungsod. Ngunit ito ay dapat lamang na gamitin sa mga official business, lalo pa’t tayo ay mga taong gobyerno. Maaari nating limitahan ang mga access sa internet at i-ban ang mga adult sites pati ang ilang chatrooms,” ayon kay Kgd. Piano.

 

            “Ang mali ng isa ay hindi dapat makapagdamay sa kalahatan. Matagal na panahong itinaas ng lungsod ng Olongapo ang dangal nito mula sa isang Sin City at sa kasalukuyang Model City. Isang isyu lamang ‘yan na pinalala at pinasama. Dapat na ikondena ang nakaka-alarma at masakit na paratang na ‘yan dahil ito ay nakakaapekto hindi lamang sa Olongapo City Hall kundi pati sa buong dangal ng bawat Olongapeno,” dagdag pa ni Kgd. Piano.

 

            Maraming taga-City Hall ang nagpahayag ng dismaya sa pagbahid ng masamng imahe sa lungsod dahil sa kaso at kontra-kaso na nagmula sa sexual harassment case ni Kgd. Atienza.


Start your day with Yahoo! - make it your home page

1 Comments:

  • to all the honorable member ot the o.c.council issues like this should not be your priority in this hard times the well being of your constituent should be the top priority stop your political bickerings,set aside your political ambitions hey elections is years away do good and work hard and the people might elect you back again!

    By Anonymous Anonymous, at 8/31/2005 10:12 PM  

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012