Gordon on Cha Cha, Bike issue
Interview Transcript
ON CHARTER CHANGE ISSUE
GORDON: Marami dito ang papayag kung after the impeachment. Tapusin muna ang proseso ng impeachment para sa ganoon ay hindi nagugulo at nabubulabog yung Constitution. Pangalawa, malinaw na malinaw na mas dapat na gawin ang Constituent Assembly. Para sa akin, because kung gagawin natin ay biglaang babaguhin ang konstitusyon ng buong-buo, isang Yes or No lang iyan. Hindi maisasa-puso at maisasa-isip ng tao yung tinatawag nating pagbabago.
Mas maganda yung first amendment, katulad sa Amerika, first amendment muna ang ibibigay para malinaw sa tao at kapag nag Yes sila doon, then second amendment. Hindi mo na kailangang i-convene palagi yung Constitutional Convention. By amendment dapat iyan, kase galing na ako sa Constitutional Convention. Kapag pumunta tayo sa Constitutional Convention, buong-buo iyan. Papakialaman ng lahat iyan at bago i-submit iyan sa tao ay buo na. Hindi mapag-aaralan ng tao kaya never had we have a Constitution that the people really own, except yung 1935 Constitution sapagkat unang-una iyon at yun 1940 amendment na ini-extend yung term ni President Quezon at saka naging bicameral yun Kongreso natin.
ON THE BICYCLE ISSUE
INTERVIEWER: Pabor ba kayo sa paggamit ng bisekleta?
GORDON: Yes. Matagal ko nang pinu-propose yan noon pang mayor ako sa Olongapo sapagkat sanay kami noong magbisekleta patungo sa base military ng Amerikano. Sa Subic gumawa rin kami ng bike lanes sa industrial zones. Ang Manila ay hindi naman ganoon kalakihan, seguro kung ilalagay mo yung mga bike lane, yung malalapit ang trabaho ay mas makakatipid. Ang kailangan mo lang dyan ay bagong istraktura kung saan mo igagarahe yung mga bisekleta sa pabrika at yung mga lane na ilalagay mo ay gaano kalapad.
Sa tingin ko mas makakabuti sa atin yan. Ang nangyari kase sa atin ay inasinta kaagad ng mga Filipino na magka-kotse at magka-jeep bago magkaroon ng negosyo. Sa China, Vietnam o sa Malaysia, nauna muna ang bisekleta para pumasok sa trabaho at pagkatapos ay unti-unting nakapag-ipon sila at nilalagay nila ang kanilang naipong pera sa hanapbuhay nila.
Sa atin, inasinta kaagad natin na magkaroon ng kotse at ang nangyari yung ipon natin ay hindi naipasok sa pagkakakitaang negosyo. Ngayon kung ikaw ay hindi na nakikipag-unahan doon sa kapitbahay mo sa kotse at pagandahan na lang ng bisekleta ang labanan, mayroon kang malaking savings na imbes na gugugulin mo sa langis ng kotse ay pwede mong gugulin iyan sa paglalagay ng maliit na tindahan o paglalagay ng maliit na negosyon para sa ganoon ay mas kumita ka pa. Bawas ka na sa gastos sa gasolina, lamang ka pa sa kikitain at healthy ka pa. In Europe and China ay talagang ginagamit ang bisekleta. Security lang ang kailangang ibigay mo dyan para sa ganoon ay maging maayos.
INTERVIEWER: Sir, gaano kaya kadali yung magtayo ng bike lane?
GORDON: Madali iyan, sa tingin ko, you can set aside one whole lane on either side at luwagan mo ang kalsadang pang-bisekleta talaga. Lagyan din ng color-coding ang bisekleta para walang nakawan ng bisekleta. Mula sa Quezon City to Makati kayang-kaya mo yan sa bisekleta.
INTERVIEWER: Sir kayo pwede ba kayong mag-bike?
GORDON: Yes. I can handle that. Bicycle is a very good idea for Filipinos. Tipid pa yan.
The other thing that we proposed when I was the Tourism Secretary was we convert all the diesel plants to natural gas which is being done in Brazil, so if we can do that here malaking tipid yan. Marami akong proposal noon, pati yung neon lights 9 oclock wala na. Maging yung air conditioning, patay na pagsapit na 5 pm.
INTERVIEWER: By 9 pm lights out, paano yung mga .?
GORDON: Then they should pay more.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home