JUNK DEALERS PINAALALAHANAN NG PNP!
Pinaalalahanan ni PNP City Director Flor Buentipo ang mga Junk Dealers ng Lungsod ng Olongapo na tumalima sa City Ordinance No. 24 series of 1990.
Laman ng City Ordinance na ito ang pagtatakda sa oras na maaari lamang isagawa ng mga nagkakariton o nammimili ng junk o scrap ang kanilang pag-iikot sa lansangan simula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng hapon. Ito ay upang maiwasan ang paggamit sa kanilang trabaho ng mga magnanakaw na nagkukunwaring namimili ng scrap. Itinatadhan rin ng ordinansa ang pagababawal sa mga ito na mag-operate simula alas-sais ng hapon hanggang alas-sais ng umaga.
Nakasaad rin ditto ang pagtatalaga ng mga lugar na maaari lamang pasukin o ikutin ng mga kariton ng junk o scrap buyers partikular na ang mga pangunahing lansangan sa oras na takda upang maiwasan ang pagkakabuhol-buhol na daloy ng trapiko.
Binalaan rin ni Col. Buentipo ang kanyang tauhan na maging matibay sa pagpapatupad sa batas at huliin ang sinumang lumalabag sa ordinansa.
Matatandaan na una nang ipinulong ni Olongapo City Mayor James Bong Gordon, Jr. ang mga junk dealers ng lungsod upang malaman kung paano sila maaalalayan sa pagnenegosyo./rem
Visit http://SubicBay.Ph
for latest developments in Olongapo Freeport City, GawangGapo, Sanggunian, BagumbayanVolunteers, InterGapo
__________________________________________________
Do You Yahoo!?
Tired of spam? Yahoo! Mail has the best spam protection around
http://mail.yahoo.com
0 Comments:
Post a Comment
<< Home