Pasugalan inilipat sa Subic Bay
Ang Pilipino STAR Ngayon
SUBIC BAY FREEPORT – Nagmistulang napakaruming lugar ang tinaguriang premier freeport zone sa bansa, ang compound ng Freeport Service Corporation (FSC) dahil sa pinagtayuan ng mga illegal na pasugalan na pagmamay-ari ng malapit na kaibigan ni FSC Pres. at Anti-Smuggling Task Force (ASTF) chief ret. Lt. Gen. Jose Calimlim.
Ito ay matapos maaktuhan ng PSN ang tila isang maruming barangay sa munisipalidad dahil sa basurang ikinakalat ng mga sugarol na kabataan na nakikitang gumagawa ng kaguluhan matapos mag-inuman sa mga tindahan sa loob mismo ng mala-casinong peryahan ng Freeport.
Napag-alaman na isang nagngangalang Rick Quiros ang nagmamay-ari ng pasugalan na pinaniniwalaang nagbibigay ng P3-milyon sa mga opisyal ng Subic Bay Freeport Zone para maipagpatuloy ang iligal na sugalan.
Kabilang sa mga ipinatayong pasugalan ni Quiros sa nasabing Freeport ay ang beto-beto; pula-puti; roleta; rolling dice at maging ang video karera games kung saan ilang mga security police officers ng Law Enforcement Department (LED) na pinamumunuan ni ret. Col. Jaime Calunsag, ang mismong itinalaga sa nasabing compound upang magbantay sa operasyon ng pasugalan.
Ipinagyayabang pa umano ni Quiros ang pangalan ni Calimlim sa kanyang illegal na operasyon kung kayat maging ang pamunuan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay bigong mapahinto ito dahil sa sobrang proteksyong ibinibigay dito ng naturang opisyal.
Ayon pa sa source na tumatanggap ng lingguhang intelihensya ang ilang tiwaling opisyales ng LED at Anti-Smuggling Task Force (ASTF) mula kay Quiros ng P50,000 maliban pa sa paunang ibinayad nito na P3-milyon kapalit ang operasyon ng mga pasugalan.
Sinasabing si Quiros ay kilala sa Pampanga partikular sa Angeles City bilang bigtime gambling lord at pinaniniwalaang inilipat nito ang kanyang operasyon sa Freeport matapos salakayin ng CIDG-Anti-Gambling Task Force sa Camp Olivas ang mga pasugalan nito sa Henson St., Angeles City may isang buwan na ang nakalipas. (Jeff Tombado)
===
Kano isasalang na sa korte
Ang Pilipino STAR Ngayon
OLONGAPO CITY – Pormal nang ipinalabas kahapon ng Olongapo City Prosecutors Office ang subpoena laban sa anim na akusadong Amerikanong sundalo na sangkot sa kasong rape na naganap sa Subic Bay Freeport noong Martes (Nobyembre 1).
Pirmado ni Olongapo City Chief Prosecutor Prudencio B. Jalandoni ang subpoena, kasabay ang pagpapadala sa tanggapan nina Chief State Prosecutor Jovencito Zuño ng Department of Justice (DoJ) at gayundin kay Department of Foreign Affairs (DFA) Unsec. Rafael Seguis na siya namang magbibigay ng kopya sa US Embassy sa pangunguna ni US Charge de Affair Paul Jones.
Kabilang sa mga akusadong Kano na padadalhan ng subpoena ay sina S/Sgt. Chad Carpentier, Daniel Smith, Dominic Duplantis, Corey Burris, Albert Lara at Keith Silkwood na pawang US Marines na nanghalay sa 22-anyos na biktima na taga-Zamboanga City.
Binigyan lamang ng Olongapo City Prosecutors Office ng 10-araw na palugit ang mga akusadong Kano upang sagutin ang mga bintang at akusasyon sa kanila ng biktima.
Sa darating na Nobyembre 23 at 29, 2005 ang itinakdang araw ng preliminary investigation ng kaso at ang binuong special 2-man panel na kinabibilangan nina Jalandoni at Asst. City Prosecutor Raymund C. Viray, ang mag-iimbestiga.
Samantala, nakatakda namang kasuhan ng Olongapo City Prosecutors Office si Timoteo Soriano, ang drayber ng inarkilang Starex van (WKF-162) ng mga suspek, kung sakaling babawiin nito ang unang pahayag nito sa opisyal ng SBMA.
Napag-alaman na si Soriano ay biglang bawi sa unang sinumpaang salaysay nito dahil sa pinilit umano siyang magsinungaling ng mga imbestigador ng Intelligence and Investigation Office (IIO) ng SBMA. (Jeff Tombado, at may dagdag ulat nina Grace dela Cruz, Ellen Fernando at Malou Rongalerios)
===
EDITORYAL – Tapusin na ang VFA!
Ang Pilipino STAR Ngayon
NOON pa man marami na ang tutol sa Visiting Forces Agreement (VFA). Marami ang nagprotesta sa kalsada. Marami ang sumigaw, pero ang kanilang sigaw ay walang nangyari sapagkat nagdagsaan pa rin ang mga Amerikano para magsagawa ng war games. Pero masaklap ang kinahinatnan nang pagbabalik ng mga sundalong Kano sa Pilipinas sapagkat puri ng Pinay ang kanilang kinuha. Hindi na maganda ang kinahantungan. Ano pa at ipagpapatuloy ang VFA? Ano pa ang silbi ngayong nalantad kadupangan sa laman ng mga sundalong Kano? Kung hindi ititigil ang VFA na ito, baka hindi lamang ang 22 year old na Pinay ang gahasain ng mga dupang. O kung hindi gahasain, baka may patayin gaya ng ginawa noong nasa Clark pa sila na ang mga batang namumulot ng basura ay kanilang tinatarget na parang baboy-damo.
Maski ang mga mambabatas ay ipinakita ang kanilang pagkadismaya sa nangyaring panggagahasa sa Pinay. Sabi ni Sen. Manuel Villar rebisahin o kaya’y tapusin na ang VFA. Hindi naitago ni Villar ang galit at sinabing kailangang magkaroon ng posisyon ang gobyerno tungkol sa rape case na kinasasangkutan ng anim na American soldiers. Sabi naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago hindi dapat makaalis sa bansa ang anim na sundalo habang nililitis ang kaso. Nakasaad umano ito sa VFA agreement.
Ginahasa ang Pinay noong November 1 sa isang rented van. Hindi "bayaran" ang babae kundi isang college graduate na taga-Zamboanga na kaya nasa Subic ay sinamahan lamang ang kanyang stepsister. Naunang nakitang nakikipagsayaw ang Pinay sa isang Amerikano at saka lumabas at sumakay sa van at umalis. Pagkalipas umano ng isang oras ay ibinaba ang babae na tanging panty na lamang ang suot. Naghehesterikal ang babae. Dinala sa ospital at ineksamen at saka ikinuwento ang buong pangyayari.
Nararapat nang itigil ang VFA. Tama na ang kalokohang ito. Hindi na dapat pang ipagpatuloy ito ngayong may nilabag na sila sa agreement. Pero bago ibasura ang VFA, isang masusing imbestigasyon ang nararapat isagawa para makita ang katotohanan at nang maparusahan ang mga Amerikanong nanggahasa. Hindi sila dapat makaligtas sa batas. Kung noon ay natakasan nila ang mga kasalanan na ginawa sa mga kawawang Pinoy, ngayo’y hindi na.
Tama naman ang mga mambabatas na dapat magkaroon ng posisyon ang gobyerno sa kasong ito sapagkat ang kasangkot dito ay isang mahinang babae na nilapastangan ng mga Amerikano

0 Comments:
Post a Comment
<< Home