Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, December 04, 2005

Gold-silver sa Pinay archers

Ang Pilipino STAR Ngayon

Subic Bay Freeport--Pinana na ng tuluyan ni Pinay acher Amaya Paz ang ginto matapos talunin ang kanyang karibal at kababayan na si Jennifer Chan sa Women’s final Individual compound competition ng Southeast Asian Games Archery event kahapon sa Remy Field dito.

Bagamat hindi gaano ang pressure dahil parehong Pinay ang naglaban, naging seryoso pa rin sa pagpana ng ginto si Paz kung saan umiskor ito sa huling final 4 arrows kay Chan, 115-114.

Bagamat talunan si Chan, na nakunteto sa silver, umiiyak na niyakap at binuhat ang kababayang si Paz.

"Hindi ako makapaniwala na tinalo ko siya, ang alam ko sa unang round pa lamang ay makakaungos siya sa akin pero ginalingan ko talaga," wika ng 20 anyos na si Paz sa kalaban na beterano ng international competition.

Tinuhog naman ni RP No. 2 acher Rachel Ann Cabral ang bronze medal matapos ilaglag ang kanyang kalaban na si Novia Nuraini ng Indonesia sa iskor na 101-98 sa katatapos na Women’s Individual Recurve final competition.

Nasungkit naman ng pambato ng bansa na si Marvin Cordero ang bronze medal. (Jeff Tombado)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012