Mga kompanya sa SBMA magsasara dahil kay Calimlim?
Ang Pilipino STAR Ngayon
SUBIC BAY FREEPORT May posibilidad na magsara ang mga kompanya sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) matapos ang ginawang pangha-harass ng Anti-Smuggling Task Force (ASTF) laban sa isang duty free store ng isang locator na ngayon ay tuluyang nagsara.
Sa press conference na ginanap sa isang restaurant sa Olongapo City, ipinahayag ng isang imbestor at opisyal ng Subic Bay Motor Vehicles Importers Association (SBMVIA), na mapipilitan silang magsara ng kompanya kung hindi titigilan ng Anti-Smuggling Task Force (ASTF) ang pangha-harass sa mga lehitimong locators at imbestor na nakabase sa Subic Bay Freeport.
Kinondena ng nasabing asosasyon ang ginawang pagsalakay ng mga tauhan ni ASTF chief ret. Lt. Gen. Jose Calimlim sa isang kompany na walang search warrant at kaukulang dokumento para sa kanilang operasyon at ilegal na pagkumpiska sa mga imported brand na sigarilyo at alak.
Sa ginawang harassment ng mga tauhan ni Calimlim ay hindi malayong mangyari sa kanilang mga kompanya ang sinapit ng nagsarang imbestor.
Kinuwestiyon din ng nasabing samahan ang ginawang aksyon ng mga tauhan ni Calimlim at pagkumpiska sa mga kagamitan ng nasabing duty free store na nasa loob ng Freeport Zone.
Hindi anila makatarungan ang ginawang raid ni Calimlim dahil hindi maituturing na smuggling operation ng kompanya dahil nasa loob pa ng Freeport Zone. (Jeff Tombado)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home