Gov't custody sa 4 na US Marines sa Subic rape, iginiit
Ryan Ponce Pacpaco, Taliba
DAPAT isailalim sa custody ng pamahalaan ang apat na sundalong sangkot sa panggagahasa ng 22-anyos na dalaga upang hindi maging inutil ang administrasyong Arroyo dahil labag sa Konstitusyon ang probisyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) na nagbibigay ng mas malaking karapatan sa mga dayuhan kumpara sa mga Pilipino.
Nanindigan si Albay Rep. Edcel Lagman sa kahalagahan na kunin ng pamahalaan ang apat na sundalo sa pangunguna ni Lance Corporals Daniel na nagbibigay sa US ng karapatan na ilagay sa kahilang kostudya ang mga sundalong mahaharap sa asunto sa bansa.
Sinabi ni Lagman na labag sa Saligang Batas ang pagbibigay ng VFA ng mas malaking karapatan sa mga dayuhan kumpara sa mga Pilipino kung saan inaashang makukulong naman sa hurisdiksiyon ng Pilipinas ang kasamahang akusadong si Timoteo
Hindi masamang igiit ng Pilipinas ang karapatan nito upang papanagutin ang mga sundalong Amerikano.
Soriano, Jr., driver ng Starex van.
Binanatan ni Lagman ang pananatili ng mga sundalo sa kostudya ng US na nasa JUSMAG ng US Embassy compound.
Ipinaliwanag ni Lagman na nakapaloob sa Section 13 ng Article III ng Konstitusyon na dapat nasa kostudya ng Pilipinas ang sinumang taong mahaharap sa parusang kamatayan katulad ng panggagahasa.
Bukod dito, sinabi ni Lagman na paglabag rin sa Bill of Rights ng Konstitusyon ang pananatili ng apat na sundalo sa US Embassy dahil nagpapakita ito ng kawalan ng pagkakapantay-pantay sa batas.
"(The provision) is unconstitutional and foreigners cannot have better rights than Filipinos under Philippine criminal jurisdiction," ani Lagman.
Naniniwala si Lagman na hindi masamang igiit ng Pilipinas ang karapatan nito upang papanagutin ang mga sundalong Amerikano.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home