Pulso ng tao ikunsidera vs VFA
Iginiit kahapon ni Sen. Manny Villar, vice chairman ng Senate committee on foreign relations, na dapat ikonsidera ang opinyon at damdamin ng taumbayan kung dapat o hindi na patuloy na kilalanin ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement (VFA) na pinasok nito kasama ang Estados Unidos.
"Kung pagbabatayan ang resulta ng isang survey kamakailan, mukhang pabor ang taumbayan sa pagbasura sa VFA," ani Villar, pangulo ng Nationalista Party (NP), at isa sa pumapabor sa paglusaw sa VFA.
Nauna nang pinagtibay ng Legislative Oversight Committee on the VFA (LOVFA) ang resolusyong inihain ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na naglalayong tapusin o lusawin na ang VFA para bigyan-daan ang isang renegosasyon kung saan magiging ‘patas’ para sa Pilipinas ang mga probisyon. ABANTE

0 Comments:
Post a Comment
<< Home