Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, February 26, 2006

14-anyos ninakawan, pinatay

OLONGAPO CITY – Isang 14-anyos ang pinagnakawan at pagkatapos ay brutal na pinaslang sa pamamagitan ng pagpalo ng bato sa kanyang ulo ng apat na kabataan na hinihinalang bangag sa ipinagbabawal na droga habang ang una ay papauwi na sa kanyang tirahan sa Barangay East Bajac-Bajac sa lungsod na ito kamakalawa ng madaling-araw.

Sa nakarating na ulat kay Police Station B precinct commander P/Sr. Insp. Lolito "TJ" Tejada, nakilala ang biktima na si John Arthur C. Miclat, second year student ng Little Angel High School at residente ng No. 84 Hansen St., Barangay East Bajac-Bajac

Kaagad namang nadakip sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Police Station B ng Olongapo City Police Office (OCPO) ang tatlong suspek na kapwa menor-de-edad habang tinutugis pa ang kanilang isang kasama.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-12 ng hatinggabi nang maganap ang krimen ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ng biktima. Naglalakad umano ang binatilyo patungo sa kanyang bahay nang bigla na lamang siyang harangin ng mga suspek at agad na pinagtulungang gulpihin hanggang sa lumugmok ang biktima sa lupa.

Matapos umanong kunin ang suot na sumbrero at kuwintas ng biktima ay isa sa apat na suspek ang dumampot ng isang tipak ng bato at pagkatapos ay inihampas ito sa ulo ng biktima.

Ilang sandali makaraan ang insidente ay mabilis na isinugod ang 14-anyos na mag-aaral sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) subalit matapos ang mahigit apat na oras ay binawian din ito ng buhay dahil sa pagkabasag ng bungo at namuong dugo nito sa utak.

Kinondena naman ng ina ng biktima na si Gng. Arcelli ang naging kapalpakan at kapabayaan ng naturang ospital dahil sa kawalan umano ng pag-aasikaso sa kanyang anak na umanoy naghintay ng mahigit apat na oras sa ospital upang magpatingin sa doktor.

Nakatakdang sampahan ng pulisya bukas ang mga menor-de-edad na suspek ng kasong Robbery with Violence and Intimidation resulting to homicide sa tanggapan ng Prosecutor’s Office. (Jeff Tombado = Pilipino Star)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012