Mga Punong Barangay ng Gapo, kinondena si Mitos
Isang resolusyon ang ipinasa ng mga Barangay Captain laban kay Cong. Mitos Magsaysay dahil sa diumano ay mga di katanggap-tanggap na gawain ni Mitos sa naturang Lungsod. Narito ang nilalaman ng resolusyon:
RESOLUSYON NG PAG-KONDENA SA MALING GAWA NI REP. MITOS MAGSAYSAY AT NG ILANG OPISYALES NG DECS LABAN SA MGA MAMAMAYAN NG OLONGAPO
YAYAMANG, sa pamamagitan ng makakatugmang mga pangarap, adhikain at pakikibaka ng lider at mga mamamayan ay nagawa naming baguhin at gawing “Model City of Urban Redevelopment” ang lunggsod ng Olongapo, mula sa dating imahen nitong “Sin City of the 80’s”;
YAYAMANG, sa pamamagitan pa rin ng pagkakaisang ito ng lider at mga mamamayan sa adhikain, at pananaw na sa gitna ng pakikibaka laban sa kahirapan ay mahalagang mapanatili ang dignidad ng bawat isa, at bunsod ng diwa ng bolunterismo, ay matagumpay naming naitayo ang kauna-unahang Freeport sa bansa mula sa dating base military ng mga Amerikano, na nakalikha ng maraming trabaho at pagkakataong mag-negosyo;
YAYAMANG, sa buong panahon ng aming panunungkulan bilang lider ng aming mga Barangay ay masugid naming isinulong at pinanindigan ang prinsipyo ng “transformational leadership” o pamumuno sa makabuluhang pagbabago, sa halip ng “decadent transactional leadership” o bulok na pamumuno sa kompropmiso at bentahan ng prinsipyo;
YAYAMANG, nitong nakaraang Martes, ika-10 ng Enero 2006, ay pinulong kami ni Rep. Mitos Magsaysay ng unang distrito ng Zambales at doon ay tinangkang suhulan kami ng tig P10,000 na pera ng pamahalaan, upang makuha ang aming suportang pampulitika;
YAYAMANG, nitong nakaraang Linggo, ika-8 ng Enero 2006, sa pamamagitan ng lihim na pakikipag-sabwatan kay City Schools Superintendent Ligaya Monato ng DECS at Olongapo City National High School (OCNHS) Principal Helen Aggabao, si Rep. Mitos Magsaysay ay ginamit ang campus, mga pasilidad at mga kalsada sa paligid ng OCNHS upang mamudbod ng mga de latang sardinas, bigas, instant noodles at mga damit na galing sa ukay-ukay, kapalit ng sedula ng mga tao;
YAYAMANG, maraming mamamayan ang nagalit at umangal nang matuklasang ang ipinamigay na de lata’t damit ni Rep. Magsaysay ay hindi katumbas ng pagod ng mga tao sa pagkuha ng kinakailangang sedula at matagal na pagpila sa init ng araw;
YAYAMANG, dahil sa walang kaukulang koordinasyon sa pamahalaang lokal ng Olongapo ang ginawang paggamit sa OCNHS at mga kalsada sa paligid nito, nagkalat ang dumi at basura sa loob at labas ng eskuwela at kinailangang ipilinis ito kinabukasan sa mga estudyante, na nasayang ang kanilang panahon na dapat ginugol sa pag-aaral;
YAYAMANG, ang mga ganitong gawain ni Rep. Mitos Magsaysay ay nagpapakita ng kanyang mababang pagtingin at pagturing sa mga mamamayan ng Olongapo bilang mga patay-gutom, bayaran at mga walang dignidad na tao, taliwas sa matagal naming pinagtiyagahang iangat na dignidad at dangal ng mga mamamayan ng Olongapo;
YAYAMANG ang mga gawaing ito ni Rep. Mitos Magsaysay ay itinuturing namin na malaking insulto sa amin sa mga mamamayan ng Olongapo;
NGAYON, KUNG GAYON, kaming mga Kapitan ng mga Barangay na bumubuo ng Liga ng mga Barangay sa Lungsod ng Olongapo, na ngayon ay sa pulong nakatipon, ay
PINAGTITIBAY, na ihayag ang aming mariing pagkondena sa mga ginawang pag-insulto at pagyurak ni Rep. Mitos Magsaysay sa dignidad ng mga mamamayan ng Olongapo;
PINAGTITIBAY DIN, na ihayag ang aming pagkondena kay City Schools Superintendent Ligaya Monato at OCNHS Principal Helen Aggabao sa pagpapagamit nila sa mga pasilidad ng isang sagradong institusyon ng edukasyon, na gaya ng OCNHS, par asa pinakamababang uri ng pamumulitika: panloloko at panunuhol sa mga mamamayan;
PINAGTITIBAY SA PANG HULI, na ang Resolusyong ito ay hahayaang kumalat at ipaalam sa mga mamamayan sa pamamagitan ng media at iba pang paraan.
Nilagdaan ng mga Punong Barangay ng Olongapo

1 Comments:
give evidences
By Anonymous, at 6/04/2009 8:44 PM
Post a Comment
<< Home