Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, May 15, 2006

LAND GRABBING VS. GOV. MAGSAYSAY

Pribadong lupain, ginawang minahan
LAND GRABBING VS. GOV. MAGSAYSAY

NAHAHARAP sa kasong land grabbing ang gobernador ng Zambales makaraang ireklamo ng tunay na may-ari ng isang lupaing illegal na pinasok ng mga tauhan ng nasabing opisyal sa pangunguna ng kapatid nitong lalaki.

Sa reklamong ipinarating sa GRABE SA BALITA, nabatid na walang pakundangang pinasok ng mga tauhan ni Zambales Governor Vic Magsaysay and lupang pag-aari ng mag-asawang Cesario at Dolores Ancheta sa barangay Lawis, Sta Cruz, nasabing lalawigan na may kabuuang sukat na 324, 000 hectares at ginawang minahan.

Ayon sa naging pahayag ng anak ng mag-asawang Ancheta na si Paz Ancheta Gatchalian, sinabi nito na labis ang kanyang pagdaramdam kay Governor Vic Magsaysay nang hindi man lamang humingi ng permiso ang itinuturing na ama ng lalawigan sa kanya nang pasukin ng mga tauhan nito sa pangunguna ng kapatid ng nasabing provincial official ang kanyang lupain at tanuran ng mga pribadong security guards.

Wala rin umanong permiso mula sa kanya ang ginagawang pagmimina ng mga tauhan ni Magsaysay gayong masasabing kaibigan naman ng kanyang pamilya ang pamilya ng gobernador.

Layon lamang umano ng nasabing ginang ng respectuhin ng gobernador ang kanyang legal na karapatan at huwag daanin sa puwersahan and pagkubkob sa kanyang lupa na minana pa nito sa kanyang nasirang mga magulang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012