Preliminary conference sa Subic rape case isinagawa sa Makati RTC
Ng Journal Online
ISINAGAWA ngayong hapon sa Makati City Regional Trial Court ang preliminary conference sa Subic rape case.
Sa report ng dzBB, bahagi ng prosesong ito ang paglalagay ng pananda o marka sa lahat ng ebidensya at affidavit na isinumite sa korte.
Maging ang medico legal certificate na magpapatunay na ginahasa ang 22-anyos na Pinay victim ay kasama rin sa mga minarkahan.
Habang isinasagawa ito sa sala ni Judge Benjamin Pozon, ng Makati RTC Branch 139, ay nakasaksi naman ang mga abugado ng prosekusyon at depensa.
Sa darating na Mayo 22 ay magkakaroon daw ng konsultasyon sa kaso, ayon pa sa ulat.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home