Tensyong pulitika sa Bataan, humupa
Ang Pilipino STAR Ngayon
DINALUPIHAN, Bataan — Humupa na rin ang matinding tensyong pulitika na namamagitan sa provincial government at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Bataan matapos na magpasa ng isang resolusyon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na nagdedeklarang persona-non-grata ang kontraktor ng Obayashi Corp., na gumagawa ng P21-bilyong Subic-Clark-Tarlac Expressway project na sinimulan sa Bataan.

Napag-alamang naunang umalma sa nabanggit na resolusyon sina Dinalupihan Mayor Joel Jaime Payumo at Hermosa Mayor Efren Cruz dahil walang ginawang konsultasyon sa kanila. Ang pagdedeklara ng persona-non-grata ay resulta ng pagbalewala ng Obayashi sa hinihinging ulat ng provincial gov. kung ilang volume ng filling materials ang itatambak sa ginagawang highway at ang pagtangging pagbayad ng lokal na buwis na P4.3 milyon simula pa noong Abril. Itinanggi naman ng Obayashi ang mga akusasyon. (Jonie Capalaran)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home