Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, July 27, 2006

WAGING ATLETA NG LUNGSOD SA PALARONG PAMBANSA, PINAPURIHAN

Sa bisa ng Ordinance No. 45, Series of 1998 ay nabuo ang isang resolusyon na magbibigay komendasyon sa mga atleta na nagbigay karangalan sa lungsod.

Kaya binigyang-insentibo nitong ika-17 ng Hulyo 2006 sa Rizal Triangle Covered Court ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang mga nagwaging atleta ng lungsod sa katatapos na Palarong Pambansa na ginanap noong ika- 7 hanggang 13 ng Mayo 2006 sa Naga City.

Sa pangunguna ni Mayor Bong Gordon kaagapay ang miembro ng Sanggunian ay isa-isang iniabot ang cash incentives sa mga naging pambato ng lungsod na sina:

Name - - - - Event
Silver Medalists
1. Edward Morisson - Taekwando
2. Judith Pineda - Chess
3. Ivy Joy Jarin - Lawn Tennis
4. Crizzabelle Marie Paulino - Lawn Tennis


Bronze Medalists
1. Martin Rivero - Lawn Tennis
2. Roman Paulo Floreza - Lawn Tennis


4th Place
1. Gene Ryan Ebue - Swimming
2. Fritz Agapay - Swimming
3. Robin Jay Goza - 200 Meter


5th Place
1. Trexy Pearl Mamaril - Volleyball
2. Edwin Bombase - Basketball
3. Patrick Campaña - Basketball


6th Place
1. Hillary Lee - Swimming
2. Loralie Lora - Swimming
3. Ethel Santos - Swimming
4. Ryan Ebue - Swimming
5. Fritz Agapay - Swimming


‘’Make Olongapo City truly proud of you,’’ wika ni Mayor Gordon. Saan man kayo makarating palagi ninyong tatandaan na ang Olongapo ay isang lungsod ng magagaling tulad ninyo,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

Masayang tinanggap ng mga atleta ang papuri at incentives kasama pa ang kani-kanilang mga magulang at guro

Hawak ng mga nagwaging atleta ng lungsod sa katatapos na Palarong Pambansa sa Naga City ang mga envelopes na naglalaman ng cash incentives at certificates of recognition na iginawad ni Mayor Bong Gordon. Kasama ni Mayor Bong Gordon at mga atleta ang ilang miembro ng Sangguniang Panlungsod.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012