KAPAKANAN NG MAMAMAYAN PINAHALAGAHAN NG MGA US NAVY OFFICERS
Bilang bahagi ng kanilang misyon sa bansa ay nagsagawa ng community service ang mga Amerikanong miyembro ng Sandatahang Pandagat o Navy na kalahok sa Cooperation Afloat Readiness and Training (CARAT) Exercise 2006.
Sa pangunguna ni Chaplain Alfred Peña kasama ang mga sundalong amerikano ay nagbigay ng ilang computer units, t-shirts, soccer balls, at iba pang gamit pang-eskwela ang mga panauhin sa mga mag-aaral ng Iram Elementary at Iram High School nitong Agosto 2006.
Maging si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ay naging saksi sa masayang gift-giving at nagwikang, ‘’Ingatan ninyo ang mga ibinigay sa inyo ng ating bisita ngayon. At sa ngalan ng mamamayan ng Olongapo ay lubos akong nagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta nila sa ating lungsod,’’ bahagi ng mensahe ni Mayor Gordon.
Samantala, nagpamahagi rin ang mga sundalong Amerikano ng kahong-kahong gamot sa mga residente ng Nino’s Pag-asa na masayang tinanggap ng mga nakaabang na mga bata.
Ang CARAT 2006 ay bahagi ng RP-US Mutual Defense Treaty upang ma-ensayo ng parehong grupo ang naval operations tulad ng pagsugpo sa terorismo sa dagat at iba pang krimeng nangyayari sa karagatan.
Isang linggo ang isasagawang training sa iba’t-ibang lugar sa bansa kasama ang Subic Freeport, ilang bahagi ng Zambales at La Union.
COMMUNITY SERVICE: Si Mayor Bong Gordon kasama ang mga sundalong kasali sa CARAT Exercise 2006 sa isinagawang community service sa Iram Elementary at High School
Sa pangunguna ni Chaplain Alfred Peña kasama ang mga sundalong amerikano ay nagbigay ng ilang computer units, t-shirts, soccer balls, at iba pang gamit pang-eskwela ang mga panauhin sa mga mag-aaral ng Iram Elementary at Iram High School nitong Agosto 2006.
Maging si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ay naging saksi sa masayang gift-giving at nagwikang, ‘’Ingatan ninyo ang mga ibinigay sa inyo ng ating bisita ngayon. At sa ngalan ng mamamayan ng Olongapo ay lubos akong nagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta nila sa ating lungsod,’’ bahagi ng mensahe ni Mayor Gordon.
Samantala, nagpamahagi rin ang mga sundalong Amerikano ng kahong-kahong gamot sa mga residente ng Nino’s Pag-asa na masayang tinanggap ng mga nakaabang na mga bata.
Ang CARAT 2006 ay bahagi ng RP-US Mutual Defense Treaty upang ma-ensayo ng parehong grupo ang naval operations tulad ng pagsugpo sa terorismo sa dagat at iba pang krimeng nangyayari sa karagatan.
Isang linggo ang isasagawang training sa iba’t-ibang lugar sa bansa kasama ang Subic Freeport, ilang bahagi ng Zambales at La Union.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home