3 Jumbo Jet na puno ng mga Koreano, dumarating sa Pinas araw-araw
Ang Pilipino STAR Ngayon
Paglalaanan ng gobyerno ng mas malaking budget sa susunod na taon ang patuloy na panghihikayat ng mga Koreanong turista sa Pilipinas lalo pa at umaabot na sa 1,515 Koreano na laman ng tatlong Jumbo jet ang dumarating sa bansa araw-araw.
Ayon kay Palawan Rep. Antonio Alvarez, dahil sa pagdagsa ng mga Koreano sa bansa, maglalaan ang gobyerno ng nasa US$3 milyon para sa media spots at travel fairs upang mas mahikayat ang mga ito sa Pilipinas.
Kabilang aniya sa strategy na posibleng gawin ng gobyerno ay ang hikayatin ang mga gumagawa ng mga Koreanovelas na dito mag-shooting sa Pilipinas.
"Puwede ring magkaroon ng Jewel in the Coconut Palace dito," ani Alvarez.
Isa sa mga Korean novela na pumatok sa bansa ang "Jewel in the Palace" na ipinapalabas pa rin ngayon sa telebisyon.
Nag-offer na rin umano ang Korean government ng tulong para sa pagtatayo ng airport sa Palawan.
Umabot sa P150 milyon ang grant ng Seoul government sa gobyerno para sa pagsasaayos ng airport sa Busuanga, isang isla sa northern tip ng Palawan.
Ayon pa kay Alvarez ang pagdating ng mga Koreano sa bansa ay tumaas ng 18 porsiyento sa nakaraang pitong buwan ng 2006.
"We’ll probably hit 600,000 visitors from Korea this year," pahayag ni Alvarez.
Ang kontribusyon umano ng mga pumapasok na Koreano sa bansa ay tinatayang nasa P15 bilyon taun-taon kaya hindi ito dapat pabayaan ng gobyerno. (Malou Escudero)

1 Comments:
sana ung gagastusin nilang pera para sa mga koreano eh itulong nalang nila sa mga mahihirap na pilipino!
By emery, at 1/31/2009 5:02 PM
Post a Comment
<< Home