Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, October 19, 2006

HANDOG NI MAYOR BONG: LIBRENG TAWAG OVERSEAS

Inihahandog ni Mayor Bong Gordon sa pakipagtulungan ni Gen Art Lumibao, Chairman ng Rotary Club of Metro Cubao ang “Libreng Overseas Tawag Center” para sa mga taga-Olongapo na nais makausap ang mahal sa buhay na nasa abroad.

Pinagsumikapan ni Mayor Gordon na maipatupad ang proyektong ito sa kagustuhan nyang matulungan ang mga kamag-anak ng Overseas Filipino Workers (OFW) dito sa lungsod na makipag-ugnayan sa abroad ng walang inaalalang call charges.

Kabilang sa mga bansang maaaring tawagan ay ang United States of America, Canada, Argentina, Australia, Austria, Brazil, Chile, China, Denmark, England, France, Germany, Greece, Hongkong, Ireland, Israel, Italy, Mexico, Netherlands, North Ireland, Norway, Portugal, Russia, Scotland, Singapore, South Korea, Spain, Sweden at Taiwan.

Para sa mga interesadong makilahok sa proyektong ito, maaaring makipag-ugnayan kay Evelyn delos Santos ng Public Employment Service Office (PESO) o sa Mayor’s Office at hanapin si Mon Estrella. Pinapayuhan ang mga mamamayang nais makipag-ugnayan overseas na ihanda na ang mga detalye ng tatawagan upang mapabilis ang proseso ng kanilang libreng pagtawag.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012