Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, November 27, 2006

14 YEARS OF VOLUNTEERISM!

Muling ginunita ng Lungsod ng Olongapo at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang isang espesyal na araw para sa mahigit walonglibong (8,000) Volunteers ng Subic Bay Freeport Zone (SBFZ).

Ang maramdaming Volunteers’ Day celebration na isinagawa nitong ika- 24 ng Nobyembre 2006 ay ang ikalabing-apat (14) na taong paggunita nang pagkakatatag sa Freeport Zone at pagkilala sa volunteers na pinahalagahan sa Olongapo City Ordinance No. 41 (series of 1995).

Ang Volunteers Day Parade na sinimulan sa Olongapo City Mall papasok sa Seafront sa Freeport ay pinangunahan nina City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at SBMA Administrator Armand Arreza kasama ang mga volunteers buhat sa lokal na pamahalaan, barangay, guro ng ibat-ibang mga paaralan, civic organizations at NGO’s.

Nagmartsa ang buong delegasyon bitbit ang malaking bandila ng bansa kasunod ang watawat ng SBMA bilang front liner ng paradang nilahukan ng mahigit limanglibong (5,000) volunteers at supporters na sama-samang tumungo sa Bldg. 229 kung saan nagsagawa ng programa.

Pinangunahan nina Senator Richard Gordon, Mayor Bong Gordon, SBMA Chairman Feliciano Salonga, SBMA Administrator Armand Arreza, at Freeport Service Corporation (FSC) President Renato Calimlim kaagapay ang mga volunteers sa madamdaming re-enactment ng makasaysayang flag-raising at pag-awit ng Lupang Hinirang bilang pag-alaala sa mga kaganapan noong Nobyembre 24, 1992.

Ang makasaysayan at di-malilimutang taon para sa mga volunteers kung saan naganap ang paglisan ng huling barko ng mga Amerikano sa Freeport at ang araw na naging hudyat sa pagyabog ng Volunteerism Spirit sa lungsod.

Sa mensahe ni Mayor Bong Gordon ay kanyang inilahad ang territorial background ng Olongapo at Freeport na nag-iwan ng inspirasyon sa mga volunteers na karamihan ay residente ng lungsod. ‘’Magtulungan tayong lahat at higit na palakasin ang damdamin ng voluntarism.’’

‘’Ang Freeport ngayon ay produkto ng sakripisyo ng maraming volunteers,’’ bahagi ng mensahe ni SBMA Admin. Arreza samantalang ‘’Ang mga Volunteers ang Architects of Subic Freeport kaya panatilihin natin ang intensidad ng volunteerism sa bawat isa sa atin,’’ wika naman ni Sen. Gordon na sya ring kauna-unahang chairman at administrador ng Freeport.

Matapos ang programa ay sabay-sabay na nagmartsang muli ang lahat patungong Volunteers’ Shrine, ang simbolikong lugar kung saan nakaukit sa granite wall ang mga pangalan ng bawat isang volunteer na nagkaroon ng ambag na tinagurian ring mga Bayani ng Freeport

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012