Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, November 02, 2006

CITY FIESTA QUEEN CANDIDATES RUMAMPA SA KOREAN NIGHT

Naging matagumpay ang ginanap na First Canvassing para sa 2006 Search for the Olongapo City Fiesta Queen nitong ika-27 ng Oktubre 2006 sa Rizal Triangle Covered Court.

Sa kaayusan ay nagmistulang little downtown ang venue partikular na nang magsimulang rumampa ang mga kandidata sa kanilang makulay at magarbong Korean inspired attire na tugma sa temang Korean Night.

Isang Korean production number rin ng mga kandidata sa saliw ng Korean song ‘’KITARO’’ na nagbigay kasiyahan at pagpapahalaga sa mahigit dalawampung (20) Korean National na dumalo sa programa.

Isa-isang nagpakilala ang labing-pitong (17) kandidatang kinatawan ng bawat barangay sa lungsod na pawang sinalubong ng malakas na palakpakan at hiyawan ng kani-kanilang ka-barangay.

Ang Korean panel sa pangunguna ni Korean Association President Kim Byung Kwan ang mga tumayong judges para sa ibat-ibang special awards na tinanggap nina:

• Joleena Rose S. Snyder (Brgy. Barretto) –
Ms. Korean Night
• Maria Angelica P. Soriano (Brgy. East Bajac Bajac) - Most Authentic
• April Joy Z. Altiche (Brgy. New Ilalim) Best in Hairstyle -
• Geraldine Austria Bautista (Brgy. New Cabalan) - Most Elegant Award
• (Rosemarie Apalit (Brgy. Asinan) - Best in Costume

Maging ang may pinaka-maraming bilang na delegasyon ay binigyang-parangal na natanggap naman ng Brgy. Barretto na umabot sa mahigit dalawandaang (200) residente nito ang nakiisa sa pangunguna ni ABC President at Brgy. Capt. Carlito Baloy.

Sa kabuuan ay umabot sa mahigit dalawanlibong (2,000) Olongapeño ang nanuod at nakiisa sa masaya at makulay na 1st Canvassing para sa susunod na tatanghaling reyna ng Olongapo.

Napuno ang kabuuan ng Rizal Triangle Covered Court nitong ika-27 ng 2006 ng mga manunuod sa katatapos na 1st Canvassing ng 2006 Search for the City Fiesta Queen. INSET: 1) Pinangunahan ni Mayor Bong Gordon kasama sina 2006 Executive Committee Chairperson Anne Marie Gordon at Korean guests ang canvassing. 2) Ang mga kandidata sa kanilang Korean inspired production number 3) Si Ms. Korean Night Joleena Snyder kasama ang opisyales ng Brgy. Barretto at pamilya nito..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012