Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, November 10, 2006

RP handa sa Subic rape case ruling

Posibleng mapawalansala ang apat na US marines na akusado sa Subic rape case hindi dahil sa kakulangan ng ebidensiya ngunit sa teknikalidad.

Nakasaad umano sa memorandum o buod ng depensa na isinumite sa korte na nilitis ang mga akusado base sa impormasyong gumamit sila ng dahas at lakas.

Napag-alaman na ginamit naman ng prosekusyon ang taktika na lasing ang biktimang si "Nicole" at pinagsamantalahan siya ng mga akusado.

“Sana naman hindi niya ako ginahasa. Alam niyang lasing ako noon,” ayon sa isa naunang mga pahayag ni Nicole.

Sinabi ni Ricardo Diaz, abogado ng akusadong si Daniel Smith, na hindi umano ito nakasaad sa kauna-unahang salaysay na ibinigay ni Nicole sa pulisya.

Dagdag niya, kung nagbago ang estratehiya ng prosekusyon, dapat sanang binago nila ang impormasyon sa kaso.

“They switched their emphasis from force intimidation to the type of reason or otherwise unconscious when the rape was committed,” sabi ni Diaz.

Nabatid na sinagot naman ng abogada ni Nicole na si Evalyn Ursua na hindi nagkamali ang kanilang grupo.

“Malinaw ang information at the whole time we were on trial sinasabi namin na ginamitan si Nicole ng pwersa tapos siya ay nag-resist pero hindi niya nakayanan dahil nga siya ay lasing na lasing,” tugon ni Ursua.

Tingin naman ni Justice Secretary Raul Gonzalez ay tanging si Smith lang ang may pananagutan. Umaasa siyang mananaig ang prosekusyon.

Handa naman ang pamahalaang Arroyo sa posibleng epekto ng magiging desisyon ng korte sakaling guilty ang hatol sa mga akusado.

“I don’t think that they should feel aggrieved because of that otherwise we would be a banana republic if we would have to dance every time to the tune of the Americans,” sagot ni Gonzalez. ABS CBN

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012