2007 PALARONG PANGLUNGSOD, PATULOY NA HUMAHATAW!
Tatlong (3) araw na magkakasubukan ng lakas ang mga mag-aaral ng ibat-ibang paaralan sa lungsod kaugnay sa isinasagawang "2007 Palarong Panglungsod"
Ang city meet ay sinimulan nitong ika-24 at tatagal hanggang 26 ng Enero 2007 sa East Tapinac Oval Track (ETOT) sa pangunguna ng Department of Education (DepED) at sa pakikipag-tulungan ng Olongapo City Government.
Apat (4) na distrito ang naghaharap para sa elementary level samantalang ang mga pinaka-magagaling na atleta buhat naman sa secondary level ang patuloy na nagpapaligsahan ngayon.
Ang mga magwawagi sa palaro ay ang magiging pambato ng lungsod sa 2007 Central Luzon Regional Athletic Association (CLARAA) at ang papalarin dito ay mapapabilang sa Palarong Pambansa.
Sa pagbubukas ng city meet ay naging pangunahing panauhin si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na nagwikang, ‘’Sa mga palarong katulad nito ay mahalaga ang koordinasyon ng mind, body and spirit.’’
"Ang may malakas na katawan ay may mabilis na kaisipan kaya samantalahin ninyo ang pagkakataon na kayo ay bata pa at lumahok sa ganitong kumpetisyon. Dito rin ninyo matututuhan ang tunay na kahulugan ng sportsmanship," dagdag pa ni Mayor Gordon.
Sa pangunguna ni City School Superintendent Dr. Ligaya Monato ay full force ang DepED sa isinasagawang Palarong Panglungsod kaya sa tulong ng pamahalaang lokal ay patuloy ang mga kabataan ng lungsod na humahakot ng pagkilala sa larangan ng palakasan

0 Comments:
Post a Comment
<< Home