Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, January 02, 2007

BALIKATAN LADIES AT SENIOR CITIZENS SA PAGDIRIWANG NG BAGONG TAON

Ipinagdiwang ng mahigit dalawang libong (2,000) Balikatan Ladies at Senior Citizens ng Olongapo ang unang araw ng 2007 kasama sina Senator Richard Gordon, dating City Mayor Kate Gordon at Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. nitong ika-1 ng Enero 2007.

Ang New Year Party na isinagawa sa Olongapo City Convention Center ay bilang pasasalamat sa lahat ng mga miembro ng Balikatan Ladies of Olongapo Movement (BLOOM) at Senior Citizens Federation of the Philippines-Olongapo Chapter sa patuloy na suporta sa mga programa ng lungsod.

Sa pangunguna ni Mayor Bong Gordon ay tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng medical/dental missions at livelihood assistance para sa mga miembro gayundin ang pagbibigay ng feeding at scholarships para sa anak ng mga miembro nito.

Simula ng itatag taong 1982 ay umabot na sa limanglibong (5,000) miembro ang Balikatan Ladies Movement samantalang umabot na sa apat na libong (4,000) mga lolo at lola ng lungsod ang kasapi sa Senior Citizens Federation.

Sa mensahe ni Mayor Gordon sa mga dumalong Balikatan Ladies ay kaniyang inilinaw ang kahalagahan ng mga dumating na proyekto sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) na direktang mabe-benipisyuhan ay ang pamilya ng mga kasapi.

"Alam ko na marami sa inyong mga anak ang nagta-trabaho na ngayon sa Hanjin samantalang ang iba naman ay kasalukuyang nasa training stage ng ibinibigay na Free Welding Training ng lungsod. Samantalahin nyo ang lahat ng pagkakataon dahil ang mga programang ito ay para sa inyo,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Samantala, nagpasalamat naman ang mga miembro nito dahil hanggang sa ngayon ay kasama pa rin ang dalawang (2) samahan sa non-government organizations na tumatanggap ng suporta buhat sa lungsod.



Matamang nakikinig kay Mayor Bong Gordon ang mga Balikatan Ladies at Senior Citizens Federation sa joint New Years Day Party nitong ika-1 ng Enero 2007 sa City Convention Center.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012