Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, February 15, 2007

Gordon kinondena ang Comelec sa poll automation

KINONDENA ni Senador Richard Gordon ang rekomendasyon ng advisory council ng Commission on Elections (Comelec) na huwag nang ipatupad ang poll automation sa May 2007 elections.

Sa panayam ng dzBB, sinabi ni Gordon na dapat gumawa ng paraan si Comelec chairman Benjamin Abalos para maipatupad ang nilalaman ng Automated Election System Law.

“Iyon ang sinumpaan niyang tungkulin kaya dapat gumawa siya ng paraan. Sinabi niya kasi na hindi na puwede ang poll automation kaya iyong advisory council ganoon na rin ang findings,” ani Gordon.

Ayon sa batas, kailangang ipatupad ang poll automation kahit man lang sa anim na lungsod at anim na probinsya sa bansa ngunit ayon sa advisory council, wala nang sapat na panahon ang Comelec para masunod ito.

Ani Gordon, na siya ring chairman ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes and laws, iimbestigahan ng kanyang komite sa susunod na linggo ang naging pagtugon ng Comelec sa AES law.

“Panloloko ang ginagawa ng Comelec sa ating bayan (kaya dapat maimbestigahan ito),” giit pa ng senador.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012