Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, May 08, 2007

GORDON HOSPITAL, PINAPURIHAN

Nagpahayag ng lubos na pasasalamat sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) ang mag-inang Agnes at Sophia Villanueva. Ang pasasalamat ay bunga nang ligtas at maayos na operasyon na pinag-daanan ng batang Villanueva bunga ng tatlong (3) tama ng saksak sa tiyan. Ang apat (4) na taong gulang na bata ay biktima ng pananaksak ng drug-addict na kapit-bahay noong ika-8 ng Abril 2007.

Unang pinasalamatan nang ginang ang bumubuo ng JLGMH partikular na ang Pamahalaang Lokal sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na pangunahing tumututok sa lahat ng mga pangangailangan ng pagamutan, kabilang na ang mga pinaka-bagong kagamitang medikal.

Pinasalamatan rin niya ang mga doktor na nagsagawa ng kritikal na operasyon, ‘’Bagamat alam ko na delikado ang kalagayan ng aking anak ng mga oras na iyon ay hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa dahil malakas ang aking pananampalataya sa Panginoon at sa mga dalubhasang mga doctor ng JLGMH.’’

Maging ang hospital bill ng pasyente na umabot sa mahigit isandaang libong piso (P 100,000) ay hindi na naging malaking balakid dahil sa pamamagitan ni First Lady Anne Marie Gordon na ngayon ay tumatakbo bilang Vice-Governor ng Zambales ay nagbigay rin ng malaking diskwento.

Matatandaan na patuloy na nagdaragdag ang City Government ng mga latest equipment and apparatus sa pagamutan habang nasa tatlumpung por-siento (30%) na ang konstruksyon ng tatlong (3) gradong extension building para sa mga silid ng treatment, recovery, pharmacy at out-patient department (OPD) kasama na ang doctors’ offices.


Ang modernisasyon ng ospital ay bahagi nang P104 milyong Development Bank of the Philippines (DBP) Loan ng lungsod na maglalagay rin ng makabagong CTscan, computerization program, PABX system at pagbili ng surgical machines at equipment gayunrin ang konstruksyon ng Medical Arts Building (MAB).

Maliban sa pangunahing pagamutan ng mga residente ng Olongapo ay takbuhan rin ang JLGMH ng mga pasyenteng buhat pa sa karatig-lugar tulad ng Zambales, Bataan at Pampanga dahil sa maayos at magandang serbisyo ng pagamutan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012