Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, June 24, 2007

KAPIT-KAMAY SA PAGLABAN SA DENGUE AT MALARIA

Pina-igting ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang pagkilos ng ibat-ibang departamento ng lungsod kaugnay sa paparating na buwan ng tag-ulan.

Una nang ipinag-utos ni Mayor Bong Gordon sa City Health Department (CHO) sa pangunguna ni CHO Head Dr. Arnulfo Tamayo na magsagawa ng tuloy-tuloy na operasyon upang maiwasan ang mga sakit tulad ng Dengue at Malaria na malimit na lumalabas tuwing sumasapit ang panahon ng tag-ulan.

‘’Ang City Health Department ay all-year-round na nagsasagawa ng De-fogging at Fumigation sa lahat ng lugar sa Olongapo bagamat aming tinututukan ang tatlong (3) malalaking barangay ng Gordon Heights, Sta Rita at New Cabalan na may naitalang mga insidente ng Dengue at Malaria,’’ wika ni CHO Head Dr. Tamayo.

‘’Patuloy rin ang aming ginagawang pagsasanay sa mga barangay personnel upang sa gayon ay sila na mismo ang magsagawa ng De-fogging at Fumigation Operation sa kanilang nasasakupan,’’ dagdag pa ng doctor.

Malawakang Information Dissemination naman ang atas sa City Public Affairs Office para sa kaalaman ng mga residente ukol sa sakit na Dengue at Malaria at kung paano ito maiiwasan samantalang sa Environmental Sanitation and Management Office (ESMO) ay tuloy-tuloy na pag-kolekta ng basura ang atas ng punonglungsod.

Maging ang mga barangay chairmen at opisyales nito ay pina-kilos na, kaagapay ang Engineering Office na magsagawa ng paglilinis o Declogging sa mga kanal upang maiwasan ang pag-iipon ng tubig na paboritong tahanan ng mga lamok.

‘’May malaking partisipasyon ang mga residente ng Olongapo sa pagsugpo sa Dengue at Malaria kaya kailagangang panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran at kanal sa inyong lugar,’’ wika ni Mayor Gordon.

Ang mga residente ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang barangay o kaya’y sa mga sumusunod na tanggapan:

· City Health Office –224–8390 local 4147
· City Engineering Office – 224-8390 local 4301
· ESMO – 224-8390 local 4313

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012