14-naisalba sa sex den
OLONGAPO CITY – Labing – apat na kababaihan ang inulat na naisalba sa Itinuturing na sex den makaraang salakayin ng mga tauhan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)
Ang isang videoke bar na pag-aari ng Koreano sa Barangay New Asinan, Olongapo City may ilang araw na ang nakalipas. KInilala ni P/Supt. John Lopez, hepe ng CIDG, ang mga biktimang nasagip na sina Kimberly Madrigal , Jenalyn Morales, Judilyn Benedicto, Erin Domingo, Maylyn Vinarao, Marichelle dela Cruz, Carol Ann Pineda, Pauleen Mendoza, Lean Dagami, Mhean Castanos, Shiela Castro, Desiree Pacasit at si Mitch Morales. Kinasuhan naman ang may ari ng Arirang KTV Bar na si Yu Mi Lee, 47, na walang maipakitang papeles na nagpapatunay na legal ang kanyang operasyon sa nasabing bar. Ang Pagsasalakay ay bunsod ng mga reklamo ng residente na ginagawang front ng prostitusyon ang nabanggit na karaoke bar.
NGAYON
Jeff Tombado
0 Comments:
Post a Comment
<< Home