Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, August 30, 2007

AKTIBIDADES PARA SA 107TH ‘CIVIL SERVICE CELEBRATION’ NG GAPO, RARATSADA NA!

Nakahanda na ang ‘’ final schedule of events’’ na pangangasiwaan ng Olongapo City Government sa pangunguna ng City Personnel’s Office at patnubay ni Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. para sa selebrasyon ng ika-isandaan at pitong (107th) anibersaryo ng Civil Service sa darating na Setyembre.

Sa ilalim ng temang ‘’Itaguyod ang Kasarinlan ng Career Service’’ ay bibigyang kahalagahan ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Olongapo sa pamamagitan ng mga ‘’seminars’’ at ‘’trainings’’ na magbibigay kaalaman sa kanilang mga karapatan gayundin ang paghubog sa kanilang mga kakayahan, kagalingan at maging ng kanilang buhay pampamilya at espirituwal.

‘’It’s just and proper to pay tribute to the government officials for they fuel most, if not all, government activities,’’ wika ni Mayor Gordon.

Upang pasinayaan ang isang (1) buwang paggunita ay isasagawa ang ‘’flag raising ceremony’’ sa ika-3 ng Setyembre na gaganapin sa Rizal Triangle Covered Court at pangungunahan ng tanggapan ng City Personnel kasama ang City Library at City Livelihood Office.


Narito ang ‘’schedule’’ ng mga ‘’seminars,’’ ‘’trainings,’’ at ‘’workshops,’’ para sa mga empleyado ng City Govrnment:


August 28 – BILIS AKSYON PROGRAM (re-echo)
- by Kgd. Gina Perez

September 5 – GSIS, PAG-IBIG, PHILHEALTH
- by GSIS, Philhealth and Pag-Ibig Representatives

September 6 – LEAVE ADMINISTRATION
- by Civil Service Commission

September 19-21 – VALUES ORIENTATION
- by Civil Service Commission

September 28 – WORKPLACE’S SPIRITUALITY


Magkakaroon rin ng Family Week Celebration sa ika-24 hanggang ika-30 ng Setyembre na ioorganisa naman ng City Social Welfare and Development.

Matatandaan na bago pa man mapagkayarian ang ‘’final schedule’’ para sa 107th Civil Service Commemoration sa Lungsod ng Olongapo ay inorganisa na ng Olongapo City Government Employees Multi-Purpose Cooperative, Inc. (OCGEMPCI) ang ‘’free review session’’ para sa mga ‘’city government employees’’ na kukuha ng ‘’civil service examination.’’

Pao/jms

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012