Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, August 21, 2007

OTMPS SA PAMUMUNO NI COL. AQUINO

Itinalagang ‘’acting chief’’ ng Office of Traffic Management and Public Safety (OTMPS) si PNP retired Col. Jose Aquino, Jr. ni Olongapo City Mayor Bong Gordon noong ika-16 ng Agosto 2007.

Ayon kay Aquino, sa kanyang pagkakaluklok bilang ‘’acting chief’’ ng OTMPS ay magsasagawa siya ng reporma sa kanilang tanggapan kasama na ang mga kawani nito.

Layon ng nasabing reporma na lalo pang mapaigting ang serbisyong hatid ng kanilang puwersa sa pagsasaayos ng trapiko at maging ang kasiguraduhan sa kaligtasan ng mga mamamayang Olongapeño.

Binigyang diin rin ni Aquino na ang pinaka-epektibong paraan upang solusyunan ang suliranin sa trapiko ay ang pagkakaroon ng disiplina hindi lamang sa tsuper kundi maging sa mga tao, ‘’pedestrian’’ at mga ‘’vendors’’ na rin.

‘’Hindi lumalaki ang ating mga kalsada. Discipline among ourselves is one way to minimize problems in traffic,’’ wika ni Col. Aquino.

Samantala, naitalaga naman na Senior Deputy Chief for Administration si Jose Ramos habang Deputy Chief for Public Safety and Special Concern si retired Captain Camilo Pablo.

Patuloy pa rin ang kampanya ng OTMPS laban sa mga ‘’motor bikers’’ na hindi nagsusuot ng ‘’helmet.’’ Ito ay upang maiwasan ang anumang disgrasya na maaaring makamit ng sinumang nakasakay sa ‘’motorbike’’ na walang suot na ‘’helmet.’’

Pao/jms

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012