ON-LINE JOB MATCHING PATOK SA JOB HUNTERS
Umabot na sa mahigit limandaang libong (500,000) internet surfers ang bumisita sa www.jobs.subicbay.ph, ang kauna-unahan at nag-iisang ‘’On-line Job Matching’’ ngayon sa Lungsod ng Olongapo at Subic Bay Freeport Zone (SBFZ).
Ang website ay handog ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr., sa pamamagitan ni City Councilor Edwin Piano, ang chairman ng Committee on Telecommunications and Information Technology sa Sangguniang Panlungsod at sa pakikipag-tulungan ng Public Employment Services Office (PESO) ng City Hall sa mga Olongapeñong naghahanap ng trabaho.
Layunin ng website na maihatid nang mas mabilis, kompleto at detalyado sa mga job seekers ang mga updated job vacancies na tugma sa kanilang kwalipikasyon sa pamamagitan ng mas malawak na Information Technology (IT).
Layon rin ng bagong sistema sa paghahanap ng trabaho na ipa-alam ang halaga at bisa ng teknolohiya, maabot ang mas malaking workforce at mas matipid na pamamaraan sa pag-gawa ng maraming sets ng resume.
Sa ganitong paraan ang mga subscribers ay maaaring makatanggap ng mga impormasyon sa job vacancies sa pamamagitan ng e-mail, tawag sa telepono o text.
Gamit ang computer, mag-log-on lamang sa www.jobs.subicbay.ph at may nakahanda ng instruction para sa mga surfers na nais mag-post ng kanilang resume o kaya’y naghahanap ng mga bagong job vacancies para sa local at overseas employment.
Malaking bulto ng mga registrants ng site ay mga Olongapeños samantalang marami ring pumapasok na resume ang buhat sa ibang lugar sa bansa tulad ng Cebu, Davao, Cavite at Metro Manila
Sa kasalukuyan ay may mga isinasagawa nang enhancement sa site katulad ng ‘’additional linkages’’ upang sa gayo’y mas malawak pa ang maabot nito pagdating sa job employment.
Pao/rem

Labels: ‘’On-line Job Matching’’, bumisita, Councilor Edwin Piano, Jr., limandaang libong internet surfers, Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, SBFZ, www.jobs.subicbay.ph
0 Comments:
Post a Comment
<< Home