PCSO Charity Campaign sa Gapo
Isang Charity Campaign ang isinagawa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa lungsod ng Olongapo nitong ika-25 ng Setyembre 2007 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Covered Court.
Sa pakikipag-ugnayan ng PCSO sa Olongapo City sa pamumuno ni Mayor Bong Gordon, matagumpay na idinaos ang medical mission at roadshow concert kaugnay ng proyekto nitong “Project Walang Kupas”.
Umabot sa isang libo at limandaang (1,500) katao ang dumayo sa isinagawang medical mission ng PCSO upang makinabang sa medical and health services na hatid nito. Nilalayon ng naturang medical mission na mabigyan ng libreng serbisyo-pangkalusugan ang publiko kasabay na rin ang pagpapakilala ng service and revenue roles ng tanggapan.
Samantala, dinumog naman ng maraming Olongapeño ang konsiyertong kinatatampukan ng mga piling banda na gumawa ng mga orihinal na komposisyong sumesentro sa charity role ng PCSO. Layunin naman ng concert event na ipahayag ang kahalagahan ng pagkakawang-gawa sa higit pang pagsusulong ng nation building.

Ang “Walang Kupas Project” ng PCSO ay bahagi ng year-long campaign nito upang mai-promote ang mga revenue activities tulad ng lotto 6/42, 6/45 at 6/49, STL at Keno na nakatutulong upang maisakatuparan ang service mandate ng ahensya. Target naman ng proyekto ang mga key cities sa labas ng Metro Manila tulad ng Olongapo City.
Si Mayor Bong Gordon sa isinagawang Concert Tour ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Rizal Triangle Multi-Purpose Covered Court noong ika- 25 ng Setyembre. Ang Concert Tour ay bahagi ng “Project Walang Kupas” ng PCSO.
PAO/jpb
Labels: Charity Campaign, PCSO, Rizal Triangle
0 Comments:
Post a Comment
<< Home