Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, October 02, 2007

ATLETA NG ‘GAPO SA 2007 PALARONG PAMBANSA, PINARANGALAN!

Binigyang insentibo ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo City sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang mga atletang humakot ng medalya sa ginanap na ‘’2007 Palarong Pambansa’’ noong ika-22 hanggang 29 ng Abril 2007 sa Koronadal City, South Cotabado.

“Tagumpay sa Palarong Pambansa ang hangad ng lahat ng aleta kaya’t hindi matatawaran ang galing at talento ng mga kabataan na ito. Sila ay tunay na bumubuhay sa Olongapo Slogan na “Fighting for Excellence,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Partikular na pinarangalan nina Mayor Gordon at Vice Mayor Cynthia Cajudo kasama ang bumubuo ng Sangguniang Panlungsod sa Flag Raising Ceremony nitong ika-1 ng Oktubre 2007 ang ipinakitang dedikasyon, disiplina at galing ng mga kabataang naging pambato sa pinaka-malaking palaro sa bansa.

Kabilang sa mga atletang nag-uwi ng medalya sa ibat-ibang larangan ng palakasan na tumanggap ng insentibo ay sina:
· Mary Grace Rivero - Gold
· Tricia Mae Vytiaco - Gold


· Edward Morrisson - Gold
· Cristabelle Paulino - Gold
· Crizabelle Paulino - Gold
· Hilary Lee - Silver
· Lorelie Lora - Silver
· Yannie Marie Verzosa - Silver
· Regina Santiago - Silver
· Jurence Mendoza - Silver
· Angelo Joseph Rivero - Silver
· Randrei Ortiz - Bronze
· Rommel Bakuteza - Bronze
· Joetam David - Bronze

Maging ang labing-isang (11) coaches ng team ay tumanggap rin ng insentibo sa pangunguna ng dalawang tinanghal na ‘’Best Coaches’’ na sina Namnama Roque at Conrado Maristela ng DepED-Olongapo.

Matatandaan na kabilang sa Team Olongapo na tumungo sa South Cotabado bitbit ang Region-3 banner ay dalawampu’t siyam (29) na atleta, sampung (10) coaches/chaperons at limang (5) delegation officials.


Pao/rem



Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012