Manggagawa sa Hanjin patay sa kapaskuhan
“Walong oras bago sumapit ang pasko, Disyembre 24, 2:20 ng hapon,pauwi na sana kami mula sa trabaho sa Hanjin upang humabol sa kapaskuhan kapiling ang aming pamilya.
Ngunit bago umuwi kailangang mailigpit ang ilang tubo ng bakal na kung saan kami ay nagtratrabaho bilang helper ...at dahil yun ang huling dalawang tubo na aming hinahakot ay pinasakay kami ng koreanong drayber sa Hyundai boom trak na kulay puti at walang plaka ng aming kumpanya at pinahawakan sa amin ang dalawang tubo na may humigit kumulang 12 piye ang haba, dalawang pulgada ang kapal at ang nakabaluktot sa dulo ay may haba na humigit kumulang na isang dipa, isinakay sa trak ng walang tali at ang saraduhan sa kaliwa at likod ng trak ay nakabukas dahil ayaw pasarhan ng drayber na koreano. Ang drayber na koreano’y mabilis na pinatakbo ang trak upang maihabol ang mga tubo ng bakal sa tinatawag sa “building A at B” bago ito magsara.
Ngunit dahil sa bilis ng takbo at biglang liko sa kanan ng drayber ay pumaling sa kaliwa ang tubo at tinamaan ang kasama kong si Reynan sabay dumausdos pababa at nadaganan siya ng tubo, mabuti na lamang at nasa kanan ako. Hindi huminto ang drayber ng trak kaya tumalon ako upang damayan ang kasamahan ko ngunit nakita ko siya na nakahandusay sa daan at naliligo sa kanyang sariling dugo... WALA NG BUHAY”. Ito ang kwento ni Jason Valdeztamon,17, kasamang mangagawa ng biktima sa trak at ang saksi sa pangyayari.
Ang biktima si Reynan Loquinario, 25 , nakatira sa Sitio Nagyantok, Cawag, Subic Zambales at dalawang lingo pa lamang nagtratrabaho sa DMK Corporation, sub-contractor ng Hanjin Heavy Industries Corp. (HHIC) sa Subic ay idineklarang “dead on arrival” sa San Marcelino District Hospital sa Zambales.
Nangyari ang insidente sa loob mismo ng “multi-billion shipbuilding facilities” ng Hanjin sa Brgy. Cawag, Subic, Zambales at ayon sa mga saksi walang doctor noon sa clinic ng Hanjin kaya kinailangang idala ang biktima sa pinakamalapit na hospital kasama ang nurse ng naturang clinic.
Ang koreanong driver ng trak na nagpakikilala rin pinakamataas na opisyal ng kumpanyang DMK ay si Jang Jeong Dea na panay ang hingi ng dispensa sa mga magulang ng biktima at ayon sa kaniya ay aksidente ang nangyari at hindi niya sinasadya.
“Mabait na anak yang si Reynan, bakit kailangang mawala sa amin.. Pasko pa!” sambit ng naghihinagpis na si Raul Laquinario, ama ng biktima.
Malugod naming sumasama sa estasyon ng pulisya ang koreanong driver ngunit ayon sa Subic Police na si SPO1 George Cruz ay hindi nila puedeng kunan ng statement ang driver dahil sa wala sila sa posisyon na itala ang sinasabi ng driver dahil wala pa itong abugado at hindi ito puedeng iditine sa presinto dahil walang piskal para mag-inquest.
Sa muling paghaharap ng ama ng biktima at ng drayber ng trak sa Subic Police Station kahapon ay may kasama ng SBMA Police ang suspect at ayon sa kanila ay “custody” nila ang suspect.
Ang ama ng biktima ay nagsampa ng kasong “Reckless imprudence reslting to homicide” sa drayber at sa D.M.K. Co., Ltd kumpanyang pinagtratrabahuhan ng anak sa sala ni Provincial Procecutor Joy Bayana upang mapanagot ang kapabayaan ng kumpanya.
“Marami ng ganitong insidente sa loob ng Hanjin ngunit lagi na lamang humanhantong sa areglo ang kaso, hindi kayang bayaran ng pera ang buhay ng anak ko, katarungan ang hiningi ng aming pamilya”, dagdag pa ng ama ng biktima.
Ayon pa sa ama ng biktima magsasampa rin sila ng kaso sa DOLE laban sa kumpanya dahil sa paglabag nito ng "safety standards" at pag- hire ng trabahador na wala sa hustong gulang.
Ang tumayong saksi at kasama ng biktima sa trak at kapwa manggagawa ng D.M.K. Co., Ltd. ay 17 taong gulang lamang.
By Belen Figueras

- - - - - -
Reader's Comments on this article:
Reader's Comments on this article:
alam ko po ay dapat pananagutan pa rin ng hanjin yang mga ganyaan bagay, gawain kasi ng mga dayuhang mamumuhunan dito ay pinapagawa sa mga kontraktor ang trabaho upang wala silang pananagutan sa usapin ng manggagawa, aba naku ginagawa tayong tanga sa sarili nating bayan!!!!
By Anonymous, at 12/29/2007 10:00 AM
And what the hell is the SBMA labor center doing about this crap. are they protecting the investors or the workers. as far as i know, they were created to protect the workers. if what they are doing is the opposite,, its about time to make the changes habang nasa rigudon pa ang organization.
By Olongapo Observer, at 12/29/2007 10:53 AM

4 Comments:

By Anonymous, at 12/29/2007 10:53 AM
dapat panagutin ang mga kompanya at taong resposable sa aksidente. Madalas akala kc ng mga koreano, di na tayo mabubuhay ng wala sila, maraming koreano ang abusado sa mga Filipino at mapagsamantala sa kahinaan at kahirapan natin.
Dapat aksyunan ng mga awtoridad ana pangyayaring ito ng madalian.
Concerned reader
By Anonymous, at 1/05/2008 1:24 PM
Dapat ayusin ng HHIC yan ganyang problema kasi kawawa naman yung mga tauhan nila kung hindi nila aaksuyanan yan...lagi na lang bang ganyan?...
By Anonymous, at 1/08/2008 2:48 PM
Post a Comment
<< Home