Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, January 29, 2008

MARZAN, BAGONG CPDO HEAD

Itinalaga ni Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon, Jr. si Marey Beth Daduya Marzan bilang bagong City Planning and Development Office (CPDO) Officer kamakailan.

Sang-ayon sa Resolution No. 06, Series of 2008 na inaprubahan ng City Council noong ika-9 ng Enero 2008 at nilagdaan ni Mayor Gordon noong ika-18 ng Enero 2008, pormal nang nanungkulan si Marzan bilang tagapangulo ng CPDO.

“Mas pinili kong maging bahagi ng executive branch ng Olongapo City Government dahil naniniwala akong mas marami akong matutulungang tao kung kasama ako sa planning and implementation process. Ngayon, naisasagawa ko ang mga batas na ginawa ko noong legislator pa ako. I sacrificed my political career to help Mayor Gordon’s administration in serving more people,” pahayag ni Marzan.

Nilalayon ni Marzan na ipatupad ang Rationalized Planning System (RPS) kung saan ay magkakaroon ng koordinasyon ang bawat departamento ng Pamahalaang Lungsod kaugnay sa mga planning processes nito. Ayon kay Marzan, ang sistemang ito ay magreresulta sa integrasyon at kaisahan ng mga desisyong gagawin ng City Government bilang isang united government entity. “This kind of system will also prevent overlapping of services of the city government’s offices,” dagdag pa niya.

Naisin din ni Marzan na palawigin pa ang mga serbisyong hatid ng CPDO sa pamamagitan ng pagkakategorya sa pagitan ng spatial or physical dimension at social settlement tasks ng kanilang tanggapan. Ang mga spatial functions ng CPDO ay tumutukoy sa mga serbisyong may kaugnayan sa land use, mapping at iba pa samantalang ang mga social responsibilities nito ay yaong may kinalaman sa koordinasyon at pagkakaisa ng lahat ng sektor hinggil sa social planning processes. “CPDO’s duty is not only on technical matters but also about humans,” saad ni Marzan.

Naniniwala si Marzan na ang kanyang sampung (10) taon na karanasan sa pagiging lawmaker ay makatutulong sa kanyang bago at mas malaking assignment na pamunuan ang CPDO bilang isa sa mga major agencies ng city government. Gayundin, siya ang magiging liaison sa pagitan ng executive at legislative agendas.

Magugunitang bago pa man maitalaga si Marzan sa pagiging CPDO head ay lumahok siya sa Special Course in Urban and Regional Planning (SCURP) noong ika-26 ng Nobyembre hanggang ika-7 ng Disyembre 2007 na inorganisa ng School of Urban and Regional Planning-University of the Philippines (UP-Diliman). Ito ay bilang paghahanda sa kanyang pagpasok sa isang bagong mundo at upang maintindihan niya ang trabahong kaakibat nito.

Unang naging miyembro si Marzan ng Sangguniang Panlungsod nang siya ay maihalal maging presidente ng Sangguniang Kabataan (SK) City Federation ng Lungsod ng Olongapo mula 1996 hanggang 2002. Siya ay pormal na naihalal bilang regular na city councilor noong 2004 at muling naihalal sa pangalawang pagkakataon noong 2007.

Mula pa pagkabata ay aktibo na si Marzan sa mga social activities na pinatutunayan ng mga pagkilalang kanyang natanggap mula sa iba’t ibang mga grupo, mapanasyunal man o lokal. Nakalahok na rin siya sa mga malalaking conferences, seminars at trainings, mapa-international man o domestic.

Nagtapos si Marzan ng Bachelor of Science in Computer Information System at may 18 units ng Education. Natapos niya ang academic units sa kanyang Masters of Science in Information Technology at nagkamit siya ng Masters of Management on Business Management. Sa kasalukuyan, siya ay nag-aaral ng Bachelor of Laws.


NEW CPDO HEAD: Si Marey Beth Marzan, ang bagong City Planning and Development Officer ng Olongapo City

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012