Batas vs smuggling dapat ipatupad -- solon
SA gitna ng mga turuan sa pagiging padrino umano ng smugglers nina Unang Ginoo Jose Miguel “Mike” Arroyo at dating Speaker Jose de Venecia Jr., isinisi naman ng mga kongresista ang talamak na suliraninm ng smuggling sa kabiguan ng kinauukulan na ipatupad ang mga umiiral na batas sa pagsugpo ng problema.
Kahit 100 Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) pa na pinamumunuan ni Antonio “Bebot” Villar ang likhain, sinabi ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson na mananatili ang suliranin hanggang takot ang kinauukulan na ipatupad ang batas kontra sa smuggling.
“Smuggling remains because there is no honest to goodness enforcement of laws so one hundred task forces won’t be able to do anything,” ani Joson sa alegasyon ni Villar na si De Venecia umano ang padrino ng hinihinalang oil smuggler na si Paul Co para makalibre sa pagbabayad ng P4- bilyong buwis noong 2007 sa pamamagitan ng paglalaglag ng kasong tax evasion, smuggling at fraud sa kompanya nitong Oil Link International Corp.
Mariing itinanggi naman ni Pampanga Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo ang buwelta ni De Venecia na siya at kanyang ama umano ang nasa likod ng smuggling.
Naalarma naman si Citizens Battle Against Corruption Rep. Joel Villanueva sa lumulutang na malalaking pangalan sa isyu ng smuggling na siyang nagiging sentro ng mga balita sa halip na masolusyunan ang suliranin.
“Sana ang solusyon sa problema ang nagiging sentro ng atensiyon ng kinauukulan. Kung talagang may mga basehan, dalhin nila ang usapin sa korte sa halip na lituhin ang publiko” ani Villanueva.
Kaugnay nito, naniniwala naman si Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla na ang pagiging incompetence umano ng kinauukulan katulad ng PASG sa paghuli ng smugglers ang problema ng bansa.
“What exists is overlap of incompetence,” ani Padilla kaugnay sa bangayan ng PASG at Bureau of Customs (BoC).
Iginiit ni Joson ang kahalagahan na kumilos ang kinauukulan para lunasan ang problema sa smuggling.
“Nakakapanghinayang na nagkakaroon ng task forces na ginagastusan ng gobyerno ng pera katulad ng PASG tapos hindi naman nareresolba ang problema,” ani Joson. By: Ryan Ponce Pacpaco - Journal online

0 Comments:
Post a Comment
<< Home