TAX PAYER’S LOUNGE, BUKAS NA!
Pinangunahan nina City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at Zambales Vice-Gov. at Olongapo First Lady Anne Marie Gordon ang inauguration at blessing ng ‘’Tax Payer’s Lounge’’ sa City Hall Complex nitong ika-5 ng Pebrero 2008.
‘’Ang mga nagbabayad ng buwis ang maituturing nating mga pangunahing bisita ng City Hall araw-araw. Kaya marapat lamang na maganda at maayos na serbisyo ang ibigay natin sa kanila,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.
‘’Ang mga tax payer’s ng lungsod ang nagsisilbing enerhiya upang maisakatuparan ang mga proyekto ng pamahalaan. Kaya ang Tax Payer’s Lounge ay para sa inyo,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.
Buong suporta ring dumating sa inagurasyon sina Vice Mayor Cynthia Cajudo, City Councilors’ Edwin Piano, Elmo Aquino, Ellen Dabu at ABC President Carlito Baloy kasama ang mga barangay officials at department heads ng City Hall.
Ang ‘’Tax Payer’s Lounge ay maaaring maka-ukupa ng mahigit isandaan at limampung (150) katao ng sabay-sabay habang komportableng nag-aabang matawag ang kanilang numero para magbayad.
Ipinag-malaki rin ni City Treasurer Marcelino Andawi na higit na mas mabilis na ang billing collection process, ‘’Segundo lamang ang itatagal ng mga mag-babayad para sa isang resibo katulad ng sa kuryente o Real Property Tax (RPT). Higit itong mas mabilis kung ang mga magbabayad ay may hawak nang eksaktong halaga ng bayarin. Kaligtasan rin ng mga nagbabayad ang isa sa mga iniisip ni Mayor Gordon lalo na ang mga may hawak na malaking halaga,’’ wika pa ng tresurero.
May inilaan ring dalawang (2) pay windows sa lounge para naman sa mga senior citizens na nagbabayad.

Labels: inauguration, TAX PAYERS’ LOUNGE
0 Comments:
Post a Comment
<< Home